The Bible Inquirer

Tagalog Articles





Ang Modernong Kristianismo ngayon ay malinaw na nagtuturo na ang Batas sa Lumang Tipan, especially yaong patungkol sa pagkain ng Baboy ay pinapayagan na. Si Kristo diumano ang nagbigay ng pahintulot dito. Ang Lumang Tipan di-umano ay tinapos na sa Krus. Ano ba ang katotohanan dito? Ano ba ang turo ni Kristo at mga apostoles?

Alfredo F. Cartaño Jr.

Majority sa mga moderno at nag-aangking Kristiano ngayon ay nagsasabi na ang baboy kasama ng iba pang ipinagbabawal kainin sa Lumang Tipan ay pinayagan mismo ni Kristo at kanyang mga apostoles. Sabi nila ay pinayagan na ito sa Bagong Tipan, may mga katibayan daw di umano na sinabi ito sa Bagong Tipan. Nguni't marami sa atin ang hindi nakapansin sa MALINAW na sinabi ng Panginoong Jesus na:

17 Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin.
18 Sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.
19 Kaya't ang sinomang sumuway sa isa sa kaliitliitang mga utos na ito, at ituro ang gayon sa mga tao, ay tatawaging kaliitliitan sa kaharian ng langit: datapuwa't ang sinomang gumanap at ituro, ito'y tatawaging dakila sa kaharian ng langit.

Dito ay mariing ipinaliwanag ni Kristo na "HUWAG NINYONG ISIPIN" na naparito siya upang sirain o ipawalang bisa ang KAUTUSAN o MGA PROPETA. Nguni't gayon nga ang itinuro at ipinaliwanag ng ibang mangangaral, itinuro sa tao na HUWAG sundin ang kautusan.

Ang Jamieson,Fausset and Brown commentary ay nagsabi: 

 17. Think not that I am come--that I came.
      to destroy the law, or the prophets--that is, "the authority and principles of the Old Testament." (On the phrase, see Mat 7:12 22:40 Luk 16:16 Act 13:15 ). This general way of taking the phrase is much better than understanding "the law" and "the prophets" separately, and inquiring, as many good critics do, in what sense our Lord could be supposed to meditate the subversion of each. To the various classes of His hearers, who might view such supposed abrogation of the law and the prophets with very different feelings, our Lord's announcement would, in effect, be such as this--"Ye who tremble at the word of the Lord, fear not that I am going to sweep the foundation from under your feet: Ye restless and revolutionary spirits, hope not that I am going to head any revolutionary movement: And ye who hypocritically affect great reverence for the law and the prophets, pretend not to find anything in My teaching derogatory to God's living oracles."
      I am not come to destroy, but to fulfil--Not to subvert, abrogate, or annul, but to establish the law and the prophets--to unfold them, to embody them in living form, and to enshrine them in the reverence, affection, and character of men, am I come.

      18. For verily I say unto you--Here, for the first time, does that august expression occur in our Lord's recorded teaching, with which we have grown so familiar as hardly to reflect on its full import. It is the expression manifestly, of supreme legislative authority; and as the subject in connection with which it is uttered is the Moral Law, no higher claim to an authority strictly divine could be advanced. For when we observe how jealously Jehovah asserts it as His exclusive prerogative to give law to men ( Lev 18:1-5 19:37 26:1-4, 13-16 , &c.), such language as this of our Lord will appear totally unsuitable, and indeed abhorrent, from any creature lips. When the Baptist's words--"I say unto you" ( Mat 3:9 ) --are compared with those of his Master here, the difference of the two cases will be at once apparent.
      Till heaven and earth pass--Though even the Old Testament announces the ultimate "perdition of the heavens and the earth," in contrast with the immutability of Jehovah ( Psa 102:24-27 ), the prevalent representation of the heavens and the earth in Scripture, when employed as a popular figure, is that of their stability ( Psa 119:89-91 Ecc 1:4 Jer 33:25, 26 ). It is the enduring stability, then, of the great truths and principles, moral and spiritual, of the Old Testament revelation which our Lord thus expresses.
      one jot--the smallest of the Hebrew letters.
      one tittle--one of those little strokes by which alone some of the Hebrew letters are distinguished from others like them.
      shall in no wise pass from the law, till all be fulfilled--The meaning is that "not so much as the smallest loss of authority or vitality shall ever come over the law." The expression, "till all be fulfilled," is much the same in meaning as "it shall be had in undiminished and enduring honor, from its greatest to its least requirements." Again, this general way of viewing our Lord's words here seems far preferable to that doctrinal understanding of them which would require us to determine the different kinds of "fulfilment" which the moral and the ceremonial parts of it were to have.

      19. Whosoever therefore shall break--rather, "dissolve," "annul," or make "invalid."
      one of these least commandments--an expression equivalent to "one of the least of these commandments."
      and shall teach men so--referring to the Pharisees and their teaching, as is plain from Mat 5:20 , but of course embracing all similar schools and teaching in the Christian Church.
      he shall be called the least in the kingdom of heaven--As the thing spoken of is not the practical breaking, or disobeying, of the law, but annulling or enervating its obligation by a vicious system of interpretation, and teaching others to do the same; so the thing threatened is not exclusion from heaven, and still less the lowest place in it, but a degraded and contemptuous position in the present stage of the kingdom of God. In other words, they shall be reduced by the retributive providence that overtakes them, to the same condition of dishonor to which, by their system and their teaching, they have brought down those eternal principles of God's law.
      but whosoever shall do and teach them--whose principles and teaching go to exalt the authority and honor of God's law, in its lowest as well as highest requirements.
      the same shall be called great in the kingdom of heaven--shall, by that providence which watches over the honor of God's moral administration, be raised to the same position of authority and honor to which they exalt the law.

Dito, malinaw na hindi si Kristo nagutos na LABAGIN ang nakasulat sa mga propeta at Batas sa Lumang Tipan, kundi INIINGATAN pa niya ito.

Maraming tagapagturo ang naligaw dito.

Sa isa pang Komentaryo ay mababasa natin:

Matthew-Henry Commentary says:

"Those to whom Christ preached, and for whose use he gave these instructions to his disciples, were such as in their religion had an eye, 1. To the scriptures of the Old Testament as their rule, and therein Christ here shows them they were in the right: 2. To the scribes and the Pharisees as their example, and therein Christ here shows them they were in the wrong; for,

I. The rule which Christ came to establish exactly agreed with the scriptures of the Old Testament, here called the law and the prophets. The prophets were commentators upon the law, and both together made up that rule of faith and practice which Christ found upon the throne in the Jewish church, and here he keeps it on the throne.

1. He protests against the thought of cancelling and weakening the Old Testament; Think not that I am come to destroy the law and the prophets. (1.) "Let not the pious Jews, who have an affection for the law and the prophets, fear that I come to destroy them.’’ Let them be not prejudiced against Christ and his doctrine, from a jealousy that this kingdom he came to set up, would derogate from the honour of the scriptures, which they had embraced as coming from God, and of which they had experienced the power and purity; no, let them be satisfied that Christ has no ill design upon the law and the prophets. "Let not the profane Jews, who have a disaffection to the law and the prophets, and are weary of that yoke, hope that I am come to destroy them.’’ Let not carnal libertines imagine that the Messiah is come to discharge them from the obligation of divine precepts and yet to secure to them divine promises, to make the happy and yet to give them leave to live as they list. Christ commands nothing now which was forbidden either by the law of nature or the moral law, nor forbids any thing which those laws had enjoined; IT IS A GREAT MISTAKE TO THINK HE DOES, and he here takes care to rectify the mistake; I am not come to destroy. The Saviour of souls is the destroyer of nothing but the works of the devil, of nothing that comes from God, much less of those excellent dictates which we have from Moses and the prophets. No, he came to fulfil them. That is, [1.] To obey the commands of the law,....."

Sa Biblia, ang "kautusan" at "salita" ng Dios ay salitan na ginagamit("At sinalita ng Dios ang lahat ng salitang ito, na sinasabi..Exodus 20:1) at  Deuteronomy 4:1-2

1.At ngayon, Oh Israel, dinggin mo ang mga palatuntunan at ang mga kahatulan, na aking itinuturo sa inyo, upang sundin ninyo;

upang kayo'y mabuhay, at pumasok, at inyong ariin ang lupain na ibinibigay sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang.

2. Huwag ninyong daragdagan ni babawasan ang SALITA na aking iniuutos sa inyo, upang inyong maingatan ang mga UTOS ng Panginoon

ninyong Dios na aking iniuutos sa inyo.


Dito ay malinaw na ang "UTOS", "KAUTUSAN" o "SALITA" ng Dios ay salitan na ginagamit. Kailangang basahin sa KONTEXTO(CONTEXT) ang linya o verse upang malaman ang tinutukoy. Sa mga linyang ito, nangunguna ang Sampung Utos ng Dios dito at iba pang mga bagay na may kinalaman sa pag-ibig sa tao at Dios.Marami hanggang ngayon ay NAGISIP nga na tinanggal ni Jesus ang mga Batas sa Old Testament.


Sa Jeremias 7:21-23, ay may mababasa tayo na HINDI naman kasama ang mga kautusan hingil sa HANDOG na ihahain o susunugin, ito ay malinaw na isinasaad sa "salita" ng Panginoon na iniutos sabihin kay Jeremias:

21 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Inyong idagdag ang inyong mga handog na susunugin sa inyong mga hain, at magsikain kayo ng laman.
22 Sapagka't HINDI ako nagsalita sa inyong mga magulang, o NAGUTOS man sa kanila nang araw na inilabas ko sila sa lupain ng Egipto, tungkol sa mga HANDOG na susunugin, o sa mga hain:
23 Kundi ang bagay na ito ang iniutos ko sa kanila, na aking sinasabi, Inyong dinggin ang aking tinig, at ako'y magiging inyong Dios, at kayo'y magiging aking bayan; at magsilakad kayo sa lahat ng daan na iniuutos ko sa inyo, sa ikabubuti ninyo.

Dito, malinaw na iba ang tinutukoy sa verse 23 "ang iniuutos ko sa kanila....inyong dinggin ang inyong tinig" sa mga HANDOG. Malinaw ito sa libro ng mga propeta---at ALAM NI KRISTO ITO na nakasulat! HIndi NILABAG ni Kristo ang laman nito!

Sa Libro ng mga Hebreo, Chapter 10 ay binanggit din itong malinaw, pansinin:

1. Sapagka't ang kautusan na may isang anino ng mabubuting bagay na darating, hindi ang tunay na larawan ng mga bagay, kailan pa man  ay di maaaring magpasakdal sa mga nagsisilapit sa pamamagitan ng mga HAIN NA LAGING INIHAHANDOG SA TAON-TAON. 

2. Sa ibang paraan ay hindi kaya baga nagsipaglikat sila ng paghahandog? sapagka't ang mga nagsisisamba, yamang nalinis na minsan, ay hindi na sana

nagkaroon pa ng budhi sa mga kasalanan

3. Nguni't sa mga hain yaon ginagawa ang pagaalaala sa mga kasalanan taon-taon.

4. Sapagka't di maaari na ang dugo ng mga baka at ng mga kambing ay makapagalis ng mga kasalanan.

Ang "kautusan" sa talatang uno ay TUMUTUKOY sa HANDOG at mga HAIN sa kasalanan, hindi ito tungkol sa mga iba pang utos ng Panginoon, mga Batas sa unang Tipan. Mga RITUWAL na kautusan.

Ang mga ito ay hindi kasama ng simulang tinawag sila papuntang Egipto ayon sa Jeremias 7:21-23.

Ayon sa ibang pangkatin ng mga relihiyon, maging ang mga nag-aangking kristiano ngayon ay sumisitas sa Hebreo 9:9-10. ITO raw di-umano ay malinaw na hindi na  daw tao dapat sumunod sa mga palatuntunan sa Lumang Tipan.

Sa Hebreo 9:9-10 ito ang mababasa:

9.Na yao'y isang talinghaga ng panahong kasalukuyan; ayon dito ay inihahandog ang mga kaloob at ang mga hain, tungkol sa budhi, na hindi magpapasakdal sa sumasamba, 10.Palibhasa'y palatuntunan lamang na ukol sa laman, na iniatang hanggang sa panahon ng pagbabago (gaya ng MGA PAGKAIN, at mga inumin at sarisaring paglilinis).

Sa unang tingin ay mukhang pabor ito sa mga sinasabi ng ibang pangkating kristiano, na ang mga "pagkain" daw na tinutukoy ay yaong PATUNGKOL sa pagbabawal ng Dios na tinutukoy sa Levitico 11. Ito nga ba?

Pag aralan po nating mabuti ito, Ano po ba ang mga pagkaing tinutukoy?
Sa Parehong Kapitulo ay malalaman natin: "Ngayon, ang unang tipan din ay nagkaroon ng mga palatuntunan ng pagsamba sa Dios, at ng kaniyang santuario, ang santuario ng sanglibutang ito.Sapagka't inihanda ang isang TABERNAKULO[tent], ang una, na kinaroroonan ng kandelero, at ng dulang, at NG MGA TINAPAY NA HANDOG; na siyang tinatawag na Dakong Banal."(Hebreo 9:1-2, And Dating Biblia -1905).

Malinaw na patungkol pa rin sa "paghahandog" ang tinutukoy dito. Patungkol ito sa "Palatuntunan sa pagsamba" na itinayo sa "TABERNAKULO ng Dios" ng UNA. Ito ay malinaw na isinasaad(pansinin mabuti ng bumabasa) na ang "PAGKAIN" na tinutukoy ay yaong:
 1)Tinapay na handog Hebreo 9:2 "shewbread" sa King James Version.
2)Mga "dugong handog" at mga lamang "sinusunog" na galing sa malilinis na toro at mga kambing o kaya tupa--mga hain araw-araw at taon-taon(Hebreo 9:7,12,18-19). Sa KJV ay tinatawag na "gifts and sacrifices".
3)Mga "inuming handog" Hebreo 9:10.

Masama bang kumain ng "TINAPAY", "baka,tupa at kambing" o "uminom ng tubig"? HINDI diba?
Nguni't HINDI ITO ANG TINUTUKOY ng Dios--hindi tinutukoy ng Dios ang Batas sa kung ano o kung papaano kakainin ng tao rito sa nabanggit na talata sa Hebreo 9:1-2.

Ang tinutukoy ng manunulat ng Hebreo(marahil si Pablo) ay malinaw na tumutukoy sa "paghahandog"--maging ito'y inumin, tinapay o samut-saring handog. Walang binabanggit dito na ang topic o paksa sa "kung ano ang kakainin ng tao"--HINDI ito ang CONTEXT!

Sa katunayan, kung ipipilit na patungkol ito sa "food to eat" ay mali parin, sapagkat KUMAKAIN ng mabuting isda is Jesus(Mateo 15:36); tinapay(Mateo 26:26) at sa Pista ng Tabernakulo (Juan 7:2,10) dito ay kumakain ng lutong baka.Ito ay tinatawag na "bullocks", "cow" or cattle.

The Web Bible Enclopedia says:

 The translation of a word which is a generic name for horned cattle (Isa. 65:25). It is also rendered "cow" (Ezek. 4:15), "ox" (Gen. 12:16).

(2.) The translation of a word always meaning an animal of the ox kind, without distinction of age or sex (Hos. 12:11). It is rendered "cow" (Num. 18:17) and "ox" (Lev. 17:3).

(3.) Another word is rendered in the same way (Jer. 31:18). It is also translated "calf" (Lev. 9:3; Micah 6:6). It is the same word used of the "molten calf" (Ex. 32:4, 8) and "the golden calf" (1 Kings 12:28).

(4.) In Judg. 6:25; Isa. 34:7, the Hebrew word is different. It is the customary word for bulls offered in sacrifice. In Hos. 14:2, the Authorized Version has "calves," the Revised Version "bullocks."

In "food" section the The International Standard Bible Encyclopedia says:

"II. Animal Food.

Anciently, even more than now in the East, flesh food was much less used than among western peoples. In the first place, in Israel and among other Semitic peoples, it was confined by law to the use of such animals and birds as were regarded as "clean" (see CLEAN; UNCLEANNESS), or speaking according to the categories of Leviticus 11:2,3; Deuteronomy 14:4-20, domestic animals and game (see Driver on Deuteronomy 14:4-20). Then the poverty of the peasantry from time immemorial has tended to limit the use of meat to SPECIAL OCCASSIONS, such as FAMILYFESTIVALS (chaggim), the entertainment of an honored guest (Genesis 18:7; 2 Samuel 12:4), and the sacrificial meal at the local sanctuary.

The goat (`ez, etc.), especially the "kid of the goats" (Leviticus 4:23,18 the King James Version), was more prized for food by the ancient Hebrews than by modern Orientals, by whom goats are kept chiefly for their milk--most of which they supply (compare Proverbs 27:27). For this reason they are still among the most valued possessions of rich and poor (compare Genesis 30:33; 32:14 with 1 Samuel 25:2). A kid, as less valuable than a lamb, was naturally the readier victim when meat was required (compare Luke 15:29).

The sheep of Palestine, as of Egypt, are mainly of the fat-tailed species (Ovis aries), the tail of which was forbidden as ordinary food and had to be offered with certain other portions of the fat (Exodus 29:22; Leviticus 3:9). To kill a lamb in honor of a gue st is one of the highest acts of Bedouin hospitality. As a rule only the lambs are killed for meat, and they only in honor of some guest or festive occasion (compare 1 Samuel 25:18; 1 Kings 1:19). Likewise the "calves of the herd" supplied the daintiest food of the kind, though the flesh of the neat cattle, male and female, was eaten. The "fatted calf" of Luke 15:23 will be recalled, as also the "fatlings" and the "stalled" (stall-fed) ox of the Old Testament (Proverbs 15:17). Asharp contrast suggestive of the growth of luxury in Israel is seen by a comparison of 2 Samuel 17:28 f with 1 Kings 4:22 f. The food furnished David and his hardy followers at Mahanaim was "wheat, and barley, and meal, and parched grain, and beans, and lentils, and parched pulse, and honey, and butter, and sheep, and cheese of the herd," while the daily provision for Solomon's table was "thirty measures of fine flour, and threescore measures of meal, ten fat oxen, and twenty oxen out of the pastures, and a hundred sheep, besides harts, and gazelles, and roebucks, and fatted fowl." Nehemiah's daily portion is given as "one ox and six choice sheep" (Nehemiah 5:18).

Milk of large and small animals was a staple article of food (Deuteronomy 32:14; Proverbs 27:27). It was usually kept in skins, as among the Syrian peasants it is today (Judges 4:19). We find a generic term often used (chem'ah) which covers also cream, clabber and cheese (Proverbs 30:33). The proper designation of cheese is gebhinah (Job 10:10), but chalabh also is used both for ordinary milk and for a cheese made directly from sweet milk (compare 1 Samuel 17:18, charitse hechalabh, and our "cottage cheese")......."

Here, cattle and other CLEAN animals were used for Jewish food. Christ our Lord is also a Jew, He knows everything written in the Torah. Hindi pwedeng salangsangin ni Kristo ang panuntunan sa "clean and un-clean foods" sa Biblia.

The Lion Encyclopedia of the Bible says:

"INGATHERING/TABERNACLES. This was the most popular and joyful of all the Festivals...It was this Festival..that Jesus stop and declared: "Whoever is thirst should come to me and drink, as the scriptures says..."(Article: "Fasts and Festivals", p.121, The Lion Publishing).

The same Book says: "MEAT and FISH...not much meat was eaten. Mutton and meat from goat was the most common, and birds were caught for food, although the wealthy, even in the Old Testament times, fed on lamb...and BEEF...ORDINARY PEOPLE ATE MEAT ONLY ON SPECIAL OCCASSIONS...or when entertaining guests at  A RELIGIOUS FESTIVAL.."(art: "food", p. 185).

Malinaw na kumakain ng malinis na karne si Jesus.

Malinaw na hindi ang mga ito ang tinutukoy sa Hebreo. Sapagka't ang malinaw na tinutukoy sa Jeremias 7:22 ay patungkol iyon sa mga handog na pansamantala lamang.Ito ang mga "handog at rituwal na paglilinis sa Tabernakulo" at ng lumaon ay sa Templo. Mga "pagkaing" handog at "sinusunog" -- mga parusa sa mga matitigas ang ulo. Ito'y katumbas ng mga "damages" sa ating hukuman.

Sa rituwal na palatuntunan naman ay kasama ang "pagtutuli" sapagkat ito'y sa "laman" lamang, hindi dapat gawing pundasyon ng kaligtasan. Ito'y tinukoy ni Pablo sa Libro ng mga Taga Galacia kapitulo 2, Dito itinuwid ni Pablo si Pedro:

Sa mga yaon ay hindi kami napahinuhod na supilin kami, kahit isang oras; upang ang katotohanan ng evangelio ay manatili sa inyo.
6 Datapuwa't ang mga wari'y may dangal ng kaunti (maging anoman sila, ay walang anoman sa akin: ang Dios ay hindi tumatanggap ng anyo ninoman) silang may dangal, sinasabi ko, ay hindi nagbahagi sa akin ng anoman:
7 Kundi bagkus nang makita nila na sa akin ay ipinagkatiwala ang evangelio ng di-pagtutuli, gaya rin naman ng pagkakatiwala kay Pedro ng evangelio ng pagtutuli;
8 (Sapagka't ang naghanda kay Pedro sa pagkaapostol sa pagtutuli ay naghanda rin naman sa akin sa pagkaapostol sa mga Gentil);
9 At nang makita nila ang biyayang sa akin ay ipinagkaloob, ang mga kanang kamay ng pakikisama ay ibinigay sa akin at kay Bernabe ni Santiago at ni Cefas at ni Juan, sila na mga inaaring haligi, upang kami ay magsiparoon sa mga Gentil, at sila'y sa pagtutuli;
10 Ang kanila lamang hinihiling ay aming alalahanin ang mga dukha; na ang bagay ring ito'y aking pinagsisikapan gawain.
11 Nguni't nang dumating si Cefas sa Antioquia, ay sumalansang ako sa kaniya ng mukhaan, sapagka't siya'y nararapat hatulan.
12 Sapagka't bago nagsidating ang ilang mula kay Santiago, ay nakisalo siya sa mga Gentil; nguni't nang sila'y magsidating na, siya'y umurong, at humiwalay sa mga Gentil, palibhasa'y natatakot sa mga sa pagtutuli.
13 At ang ibang mga Judio ay nangagpakunwari rin namang kasama niya: ano pa't pati si Bernabe ay nabuyo sa kanilang pagkukunwari.
14 Nguni't nang aking makita na hindi sila nagsisilakad ng matuwid ayon sa katotohanan ng evangelio, sinabi ko kay Cefas sa harapan nilang lahat, Kung ikaw, na Judio, ay namumuhay gaya ng mga Gentil, at di gaya ng mga Judio, bakit mo pinipilit ang mga Gentil na mamuhay na gaya ng mga Judio?
15 Tayo'y mga Judio sa katutubo, at hindi mga makasalanang Gentil,
16 Bagama't naaalaman na ang tao ay hindi inaaring-ganap sa mga gawang ayon sa kautusan, maliban na sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo, tayo rin ay nagsisampalataya kay Cristo Jesus, upang tayo'y ariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, at hindi dahil sa mga gawang ayon sa kautusan: sapagka't sa mga gawang ayon sa kautusan ay hindi aariing-ganap ang sinomang laman.

Ito'y malinaw na binanggit din niya sa Romans 2: "

28 For he is not a Jew, which is one outwardly; neither is that circumcision, which is outward in the flesh:

Sa Roma 2: 25-28 sa Tagalog: 25. Sapagka't ang pagtutuli'y tunay na pinakikinabangan, kung tinutupad mo ang kautusan; datapuwa't kung ikaw ay masuwayin sa kautusan, ang iyong pagtutuli ay nagiging di pagtutuli.
26 Kung ang di pagtutuli nga ay tumutupad ng katuwiran ng kautusan, hindi baga aariing pagtutuli ang kaniyang di pagtutuli?
27 At ang di pagtutuli sa katutubo, kung tumupad ng kautusan, ay hindi baga hahatol sa iyo na may titik at may pagtutuli na masuwayin sa kautusan?
28 Sapagka't siya'y hindi Judio kung sa labas lamang; ni magiging pagtutuli yaong hayag sa laman;

Malinaw na ang "kautusang ito" ay patungkol sa pang-pysical na utos --"outward sign", sa laman lamang. May pakinabang kung masunurin-- nguni't ang Israel ay hindi nakinig, ngpatuloy sa PAGLABAG sapagkat hindi SUMAMPALATAYA! (Tingnan ang Roma 11: 20-23 at Hebreo 4:6

"Kaya't yamang may natitira pang ibang dapat magsipasok doon, at ang mga pinangaralan nang una ng mabubuting balita ay hindi nangapasok dahil sa pagsuway.."


Galacia 3: 16. Ngayon kay Abraham nga sinabi ang mga pangako, at sa kaniyang binhi. Hindi sinasabi ng Dios, At sa mga binhi, na gaya baga sa marami; kundi gaya sa iisa lamang, At sa iyong binhi, na si Cristo.
17 Ito nga ang aking sinasabi: Ang isang pakikipagtipang pinagtibay na nang una ng Dios, ay hindi mapawawalang kabuluhan ng kautusan, na sumipot nang makaraan ang apat na raan at tatlongpung taon, ano pa't upang pawalang kabuluhan ang pangako.
18 Sapagka't kung ang mana ay sa pamamagitan ng kautusan, ay hindi na sa pamamagitan ng pangako: datapuwa't ipinagkaloob ng Dios kay Abraham sa pamamagitan ng pangako.
19 Ano nga ang kabuluhan ng kautusan? Idinagdag dahil sa mga pagsalangsang, hanggang sa pumarito ang binhi na siyang pinangakuan; at ito'y iniutos sa pamamagitan ng mga anghel sa kamay ng isang tagapamagitan.
20 Ngayon ang isang tagapamagitan ay hindi tagapamagitan ng iisa; datapuwa't ang Dios ay iisa.
21 Ang kautusan nga baga ay laban sa mga pangako ng Dios? Huwag nawang mangyari: sapagka't kung ibinigay sana ang isang kautusang may kapangyarihang magbigay buhay, tunay ngang ang katuwiran sana ay naging dahil sa kautusan.
22 Datapuwa't kinulong ng kasulatan ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kasalanan, upang ang pangako sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo ay maibigay sa mga nagsisisampalataya.
23 Nguni't bago dumating ang pananampalataya, ay nabibilanggo tayo sa ilalim ng kautusan, na nakukulong tayo hanggang sa ang pananampalataya ay ipahahayag pagkatapos.
24 Ano pa't ang kautusan ay siyang naging tagapagturo natin upang ihatid tayo kay Cristo, upang tayo'y ariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya.
25 Datapuwa't ngayong dumating na ang pananampalataya, ay wala na tayo sa ilalim ng tagapagturo.

Dito, nilinaw ni Pablo na nauna ang PANGAKO SA PANANAMPALATAYA ni Abraham, dito hindi maikakatwiran ng mga Judio na ang PAGTUTULI ANG PARAAN NG KALIGTASAN(Works of the Law) ito ay makikita sa  Gawa 15: 1"At may ibang mga taong nagsilusong mula sa Judea ay nagsipagturo sa mga kapatid, na sinasabi, Maliban na kayo'y mangagtuli ayon sa kaugalian ni Moises, ay hindi kayo mangaliligtas.

Dito, kumakatawan ito sa "kautusan". Ayon kay Pablo ay ang kahalagahan ng kautusan ay ito'y 'TAGAPAGTURO" (Galacia 3:25) Kung tinutupad ito, ito'y walang problema. Nguni't dapat tandaan na ito'y HINDI HIHIGIT SA PANANAMPALATAYA NI ABRAHAM--hindi pwedeng baliin ang Gawa ni Abraham--sa PANANAMPALATAYA ng mga kautusan na sumunod pagkaraan ng 430 years!(Galacia 3:17).

Kaya hindi pwedeng ipagmalaki ng mga Judio ang Ritwal na pagtutuli--ito'y TANDA LAMANG SA LAMAN, mabuti ito kung masunurin tayo sa "TINIG" ng Panginoon. Kung hindi ay para naring HINDI tuli ang AYAW SUMUNOD (Roma 2:27-28).

Samadali't salita ang mga rituwal at mga handog ayon sa kautusan ni Moises ay natatapos kay Kristo, sapagka't minsan lamang siyang INIHANDOG AT ITO'Y SAPAT NA(Hebrew 10:)

"1:Sapagka't ang kautusan na may isang anino ng mabubuting bagay na darating, hindi ang tunay na larawan ng mga bagay, kailan pa man ay di maaaring magpasakdal sa mga nagsisilapit sa pamamagitan ng mga hain na laging inihahandog sa taon-taon. )

11. At katotohanang ang bawa't saserdote na araw-araw ay nangangasiwa ng patayo at naghahandog na madalas ng gayon ding mga hain, na hindi makaalis kailan pa man ng mga kasalanan:
12 Nguni't siya, nang makapaghandog ng isa lamang hain patungkol sa mga kasalanan magpakailan man, ay umupo sa kanan ng Dios;
13 Buhat noon ay naghihintay hanggang sa ang kaniyang mga kaaway ay maging tungtungan ng kaniyang mga paa.
14 Sapagka't sa pamamagitan ng isang paghahandog ay kaniyang pinasakdal magpakailan man ang mga pinapagiging-banal.
15 At ang Espiritu Santo ay nagbibigay patotoo rin naman sa atin; sapagka't pagkasabi niya na,
16 Ito ang tipang gagawin ko sa kanila Pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon; Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang puso, At isusulat ko rin naman sa kanilang pagiisip;

Hebrew 9: 26 "Sa ibang paraan ay kailangan na siya'y magbatang madalas mula nang itatag ang sanglibutan: datapuwa't ngayon ay minsan siya'y nahayag sa katapusan ng mga panahon upang alisin ang kasalanan sa pamamagitan ng pagkahandog ng kaniyang sarili. "

Dito malinaw na ipinaliwanag na ang sakripisyong ginawa ni Kristo sa paghahain ng sarili ay sapat na, ito'y KATUPARAN ng matagal na hinihintay na gagawin ng Mesias sa araw ng kanyang unang pagbisita.Dito "DUGO" niya o "buhay" niya ang nawala sa imbis na tayong tao ang "maparusahan" sa mga kasalanan. (Heb.10:19-21). Ito ang pinapatungkol na halimbawa ng sakripisyo ni Abraham kay Isaac (samakatuwid baga'y ang Ama sa langit sa kanyang anak na si Jesus). Ito'y GAWA NG DIOS mismo, hindi natin sa ganang sarili. Ito ang tinatawag na "biyaya" ng Dios, hindi ating mga gawa.



 Binabanggit sa Biblia na "...sinasabi niya, narito, ako'y pumarito upang gawin and iyong kalooban. INALIS NIYA ANG UNA, upang MAITATAG AND IKALAWA" (Hebrews 10:9).

Marami ang sumisitas nito ngayon, at ayon parin sa interpretasyon nila ay kasama daw dito ang sampung utos, lalo na ang mga Sabbath, mga alituntunin sa "marumi at di-marumi" na mga pagkain, ang baboy, ang dugo(pwede ng kanin) at iba pang "pinili" ayon sa kani-kanilang doktrinang kinagisnan hiwalay sa bansang Israel.


May depekto ba ang Lumang Tipan?


Sa Hebreo 8:7 "Sapagka't kung ang UNANG TIPANG YAON ay naging walang kakulangan, ay hindi na sana inihanap ng pangangailangan ang ikalawa.".

Dito ay totoong may kakulangan nga na nabanggit hingil sa Unang Tipan o Old Testament. Dito rin nagbigay ng haka-haka ang lahat ng nagpapakilalang mga Kristiano, dito nila ibinatay (kasama ng ibang napagkamalang mga talata ng Biblia) na ang Sabbath,pagbabawal sa pagkain ng dugo at baboy, ang ikasampung bahagi(tithes), mga Pista ng Panginoon, lalo na ang kautusang kasama sa Sampung Utos ay wala na raw epekto sa Bagong Tipan. Dito rin ibinatay maging ng mga Judio at pinagbintangan pa si  Apostlol Pablo ay tagadala ng maling turo (sa katunayan, hindi pinakahulugan ni Pablo ang mga ganitong haka-haka).


Nguni't isipin natin lahat, oo, lahat tayong bumabasa ng kasulatan, ibig sabihin ba nito ang kautusan, ang lahat ng batas ay wala ng bisa? Totoo kaya ang haka-haka? Kung totoo ang mga haka-hakang ito, bakit ang batas ng pagbabawal ng pagkain ng dugo, ang batas na ito for example, ay patuloy na tinutupad ng mga unang Iglesia ng Dios sa Biblia?


" Nguni't tungkol sa mga gentil na nagsisisampalataya ay sinulatan namin, na pinapayuhang sila'y magsiilag sa mga inihain sa mga dios-diosan, at sa DUGO, at sa binigti, at sa pakikiapid…"(Gawa 21:25).


Hindi ba batas ito sa Unang Tipan? Sa Leviticus 17:12 ay mababasa: "…sinuman sa inyo ay huwag kakain ng dugo…" at sa talatang 13: "At sinumang tao sa mga anak ni Israel, o sa mga TAGA-IBANG BAYAN…"


Dito ay malinaw na hindi pinawalang kabuluhan o kinalimutan ng mga apostoles ang batas sa Unang Tipan, at patuloy na ipinasunod. Mapapansin din natin na ito ay sa ISRAEL at maging taga IBANG BANSA(mga dayuhan) ay pinasusunod! Kaya ang mga unang Kristiano ay malinaw na sumusunod sa palatuntunan at hatol na nakasulat sa Unang Tipan, at patuloy na ipinatupad ng mga apostoles maging sa Bagong Tipan!


Walang makakaila na ang batas na nabanggit sa Gawa 21:25, o mga batas gaya ng "pakikiapid, pagkaing binigti(hindi pinatulo ang dugo) at mga inihain sa dios-diosan" ay pawang matatagpuan sa Old Testament.


Tatanggapin ba natin na ang katagang "Ang batas sa Old Testament ay tinanggal na?" HINDI!


Ito'y malinaw na maling katuruan, dapat maging malinaw sa lahat na tagasunod ni Kristo!




Ang lahat ng batas ng Unang Tipan ay perpekto, dapat tandaan na ang Dios MISMO ang nagbigay nito, sa bibig niya nagmula ito: " Ito ang mga utos na iniuutos ng Panginoon kay Moises, sa bundok ng Sinai hingil sa mga anak ni Israel "(Leviticus 27:34). "Gayon ginawa ni Moises, ayon sa LAHAT NG INIUTOS NG PANGINOON SA KANIYA, at gayon ginawa niya" (Exodo 40:16).


Lahat ng ito ay may impotansiya sa pagbibigay aral ng Panginoon sa lahat ng nasasakupan niya at mga nagpapasakop sa kanya. Sapagka't ang mga batas ay mga palatuntunan ng Panginoon upang mabuhay ang tao hiwalay sa lahat ng sumasamba sa mga idolo o dios-diosan. Ito rin ang nagbibigay ng pagkakaiba ng kanyang bayan sa hindi niya bayan. Nguni't ang mga batas o kautusan ay may kanya-kanyan din namang "duration" o "itatagal" depende sa pagiisip ng Panginoon na INILATAG o IPINASULAT niya sa kanyang Banal na Kasulatan. Ang Dios ang nagbigay, siya rin naman ang malinaw na nagpaliwanag kung bakit ito ibinigay.


Ang mga halimbawa sa tinutukoy na "itatagal" ng batas ay mababasa rin naman sa mga kasulatan, gaya halimbawa ng batas sa pag-aasawa. Ang pagiging "isa" ng mag-asawa (Genesis 2:21-25) ay may katapusan o natatapos din naman. Papaano?


"  O hindi baga ninyo nalalaman mga kapatid (sapagka't nagsasalita ako sa mga taong  nakakaalam ng kautusan) na ang kautusan ay naghahari sa tao samantalang siya'y nabubuhay. Sapagka't ang babae na may asawa ay itinali ng kautusan sa asaw samantalang ito'y nabubuhay. Datapuwa't kung ang asawa'y mamatay, ay kalag na sa kautusan ng asawa" (Roma 7:1-2).


Dito sa ating panahon ay ang pagiging mag-asawa ay natatapos sa kamatayan, maging sa "pagkabuhay na mag-uli" ay wala ng bisa, walang bisa maging sa kaharian ng Panginoon, ibig sabihin ay hindi na tayo magaasawa, gaya na lamang tayo sa mga mabubuting angel (Tingnan ang Lukas 20:29-36).Ito ay patungkol sa mga nagtagumpay patungo sa kaharian ng Panginoon.


Ito ay batas sa pag-aasawa. Wala itong kinalaman sa batas sa mga dios-diosan, sa Sabbath man, o iba pang mga batas sa Unang Tipan.


Sa isa pang halimbawa, hingil sa "batas tungkol sa alipin", kung iniibig ng alipin ang panginoon(amo) at magka-anak. Siya niyang paglilingkuran ang amo "MAGPAKAILAN MAN" (Exodo 21:5-6). Ang salitang MAGPAKAILANMAN sa KJV "forever" ay tumutukoy "hanggang kamatayan". Samantala, may batas din naman hanggang sa kaharian ng Panginoon ay ipinatutupad. Pansinin, New King James Version, Isaiah:


"For as the new heavens and the new earth Which I will make shall remain before Me," says the Lord, "So shall your descendants and your name remain.
And it shall come to pass That from one New Moon to another, And from one Sabbath to another, All flesh shall come to worship before Me," says the Lord.

Ang unang buwan at ang Sabbath (ito'y tanda ng Panginoon--mark, Exodo 31:13) ay malinaw na ipatutupad parin. Kaya ang Sabbath ay tinatawag na "perpetual covenant"(verses 13-17) sa buong lahi, at ang lahi ng Israel ay magpapatuloy hanggang "bagong langit at bagong lupa", gayon din ang lahat ng iba pang sinasabi sa Sampung Utos na nakasulat sa Unang Tipan (Pahayag 22:14-15 at Exodo 20).Dito patuloy na may mga taong nasasakupan pa at ipinatutupad na patuloy ang batas ng Panginoon.


Pansinin din, na ito'y tumutukoy sa " LAHAT NG TAO", dahil ang Israel ay "halimbawa" sa lahat (Deuteronomy 4:5-6).


Malinaw, na ang batas ng Panginoon ay magpapatuloy magpakailanman.


Nguni't ano nga ba ang "pagkakamali" ng Unang Tipan? Ito ba ay ang mga "batas" na napapaloob sa Unang Tipan?


Basahin natin mismo ang Biblia, huwag tayong magdagdag o magbawas sa ganoon ay wala sa ating maligaw.


Sa Hebreo 8:7-9 (Biola Bible) ay ito ang mababasa, Dating Biblia 1905:

Sapagka't kung ang unang tipang yaon ay naging walang kakulangan, ay hindi na sana inihanap ng pangangailangan ang ikalawa.
8 Sapagka't sa pagkakita ng kakulangan sa kanila, ay sinabi niya, Narito, dumarating ang mga araw, sinasabi ng Panginoon, Na ako'y gagawa ng isang bagong pakikipagtipan; sa sangbahayan ni Israel at sa sangbahayan ni Juda.
9 Hindi ayon sa tipang aking ipinakipagtipan sa kanilang mga magulang Nang araw na sila'y aking tangnan sa kamay, upang sila'y ihatid sa labas ng lupain ng Egipto; Sapagka't sila'y hindi nanatili sa aking tipan, At akin silang pinabayaan, sinasabi ng Panginoon.


Pansinin ang word na "sila at kanila" ay tumutukoy sa mga magulang --sa Israel. SILA ay hindi tumupad sa pangako na tuparin ang banal at matuwid na kautusan ng Panginoon!


Ito ang malaking dahilan kung BAKIT nawalan ng bisa ang Unang Tipan-- ang kontrata ng kasunduan. NILABAG kasi NILA! Kaya't kailangan ng "bago" upang matupad ang sinasabi ng kasulatan. Sa tuwi-tuwinang paglabag ng Israel, ay tuwi-tuwina nilang pinawawalang saysay ang tipan nila sa Panginoon. Sila ay nananangan o tumuon na lamang sa paghahandog, sila'y naging hipokrito, mga taong umaasa na ang paghahandog ang "sagot" sa pagpapatawad sa paulit-ulit nilang paglabag. Ito ang dahilan ng pagpapawalang bisa sa Unang Tipan -- o unang kasunduan! Ayon sa obligation and contract, kung ang isa sa dalawang nagkasundo ay lumabag, ang kontrata o contact becomes void -- nagiging walang bisa o walang kabuluhan. Gayon din naman maihahalintulad ang Unang Tipan.


Sa Jeremias 7:21-22,23:


Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Inyong idagdag ang inyong mga handog na susunugin sa inyong mga hain, at magsikain kayo ng laman.
22 Sapagka't hindi ako nagsalita sa inyong mga magulang, o nagutos man sa kanila nang araw na inilabas ko sila sa lupain ng Egipto, tungkol sa mga handog na susunugin, o sa mga hain:
23 Kundi ang bagay na ito ang iniutos ko sa kanila, na aking sinasabi, Inyong dinggin ang aking tinig, at ako'y magiging inyong Dios, at kayo'y magiging aking bayan; at magsilakad kayo sa lahat ng daan na iniuutos ko sa inyo, sa ikabubuti ninyo.

Dito, sa Old Testament pa lamang ay nilinaw na at ipinaliwanag mismo ng Panginoon na wala pang "handog" siyang binabanggit ng alisin sila sa Egipto, kundi may "inuuutos siya" ang "tinig" at  "lahat ng daan na iniuutos" niya ang dapat tutukan ng pansin ng mga tao! Nguni't sadyang matigas ang ulo ng lahat at hindi nila dininig o ikiniling man ang kanilang pakinig (Jeremias 21:24).


Mapapansin din na ipinaliwanag ni apostol Pablo na ang "kautusan ng una" ng panahon ni Abraham (based on faith) ay: "…HINDI mapapawalang kabuluhan ng kautusan na sumipot nang MAKARAAN ANG APAT NA RAAN AT TATLUNGPUNG TAON…"(Galacia 3:17-18). Kaya nang panahon ni Moises(430 years AFTER Abraham) ang KAUTUSAN patungkol sa mga nasa "ilalim" ng kasalanan o "alipin ng kasalanan"(Magandang Balita Biblia[MBB], Philippine Bible Society). Ang kautusang "IDINAGDAG DAHIL SA MGA PANSALANGSANG , hanggang sa pumarito ang Binhi na siyang pinangakuan…"(Galacia 3:19). Ang mga idinagdag ang siyang hindi na ipinatupad sa Bagong Tipan, sapagkat ang mga kautusan hingil sa mga "handog" ay natapos sa pagdating ng "binhi". Kung bakit ibinigay ang kautusan na idinagdag: "…IDINAGDAG ITO UPANG MAPAKITA KUNG ANO ANG PAGLABAG hanggang dumating ang pinangakuan, ang  INAPO ni Abraham…"(Galacia 3:19,MBB)."…hindi sinasabi, 'at sa kanyang MGA inapo', na nangangahulugang marami, kundi 'at sa IYONG inapo', na iisa ang kahulugan, AT ITO'Y SI CRISTO"(Galacia 3:16).


Maging ang kautusan patungkol naman sa "pagtutuli" na tinutukoy din ni Pablo (Galacia 4:3,11-13) ay "GINAMBALA" (Galacia 4:7) ang mga mananampalataya ni Kristo(Cristo) ng mga "…taong nagsilusong mula sa Judea  ay nagsipagturo sa mga kapatid, na sinasabi MALIBAN NA KAYO'Y MANGAGTULI AYON SA KAUGALIAN NI MOISES, ay hindi kayo mangaliligtas"(Galacia 15:1).


Ang Kautusang tinutukoy dito ay patungkol sa kaugalian ni Moises hingil sa pagpapatupad ng pagtutuli. Ipinaliwanag noon ng Dios kay Abraham na kailangang TURUANG SUMUNOD sa tinig ni Yahweh ang mga matutuli(tingnan ang Genesis 17:9-14). Ang pagtutuli ay PALATANDAAN ng pagsunod sa Tipan kay Abraham(pagkatapos na MANAMPALATAYA siya nang siya'y unang hirangin).


Samantala, pinaliwanag ni apostol Pablo: "Sapagka't yaon mang nangatuli na [tutukoy sa taong mga nasa Judea--o Judaism]ay hindi rin nagsisitupad ng kautusan; ngunit ibig nilang kayo'y patuli, pang sila'y mangagmapuri sa inyong laman"(Galacia 3:13). Ang Israel mismo ay HINDI tumupad sa TIPAN, kaya kahit pa "tuli na" sila ay wala itong kabuluhan!


" Sapagka't ang pagtutuli ay tunay na pinakikinabangan, kung TINUTUPAD MO ANG KAUTUSAN…" (Roma 2:25).


Idiniin pa ni Pablo na ang pagiging Judio ay "hindi sa labas lamang"(V.28) Samakatuwid hindi sa "laman" lamang, kundi ang "..pagtutuli ay YAONG SA PUSO, Sa ESPIRITU hindi sa titik…" (Roma 2:29). Kung nakasulat nga sa titik(o tapyas na bato) at wala sa puso ay hindi ka tunay na Judio. Dito ipinaliwanag niya na kailangang TUPARN ang kautusan --- HANGGANG KALOOBAN -- SA PUSO! Sapagka't si Abraham ay nanampalataya at SUMUNOD:


"Santiago 2:21"


"Hindi baga ang ating amang si Abraham ay inaring ganap sa pamamagitan ng mga gawa, dahil sa kaniyang inihain si Isaac na kaniyang anak sa ibabaw ng dambana? "


Dito, malinaw na SUMUNOD si Abraham, nakita ito sa "gawa". Samantala ang kabuuan ng Israel ay hindi sumunod sa "yapak" ni Abraham gaya ng sinasabi sa Hebreo: "…Sapagka't sila'y HINDI nanatili sa aking tipan…"(Hebreo 8:9b). Sinabi pa: "…sino-sino ang kinagalitan nyang apat napung(40)taon? HINDI BAGA YAONG NANAGKASALA…"(Hebreo 3:17).


Kaya ang: "…palatuntunan LAMANG na UKOL SA LAMAN, na inatang hangang sa PANAHON NG PAGBABAGO…"(Hebreo 9:10).


Ito ang natapos sa pagdating ni Kristo!


Ang mga ito, mga palatuntunang at kautusan patungkol sa "laman"--physical things maging pagtutuli o palatuntunan sa mga handog ay hindi dapat gawing dahilan ng tapos na kapatawaran sa kasalanan at "manangan" sa kapangyarihan nito upang maligtas, kailangang baguhin ang "pusong matigas at taksil", mga kaisipang kapaimbabaw.


Hebrew 10:8 ,

"Sa itaas ay sinasabi, Mga hain at mga handog at mga handog na susunuging buo at mga haing patungkol sa kasalanan ay hindi mo ibig, at di mo rin kinalulugdan (mga bagay na inihahandog ayon sa kautusan),"


Dito ang Dios ay nagpahayag upang maresolbahan ang tipan ng una:


"Sapagka't sa pagkakita ng kakulangan sa kanila ay sinabi niya.."(Hebreo 8:8-10).

Sapagka't sa pagkakita ng kakulangan sa kanila, ay sinabi niya, Narito, dumarating ang mga araw, sinasabi ng Panginoon, Na ako'y gagawa ng isang bagong pakikipagtipan; sa sangbahayan ni Israel at sa sangbahayan ni Juda.
9 Hindi ayon sa tipang aking ipinakipagtipan sa kanilang mga magulang Nang araw na sila'y aking tangnan sa kamay, upang sila'y ihatid sa labas ng lupain ng Egipto; Sapagka't sila'y hindi nanatili sa aking tipan, At akin silang pinabayaan, sinasabi ng Panginoon.
10 Sapagka't ito ang pakikipagtipang aking gagawin sa sangbahayan ni Israel Pagkatapos ng mga araw na yaon, sinasabi ng Panginoon; Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang pagiisip, At sa kanilang mga puso'y aking isusulat ang mga ito. At ako'y magiging Dios nila, At sila'y magiging bayan ko:


Malinaw! Na ang Bagong Tipan ay paglalagay ng "…kautusan sa kanilang pagiisip at sa kanilang puso…"(Hebreo 8:10b). Dito ay malinaw na tinutukoy ang kahinaan ng Israel sa pagsunod na: "…nangatisod nga sila upang mangahulog…datapuwa't ang pagkahulog nila'y dumating ang pagkaligtas sa mga gentil…"(Roma 11:11).


Sapagka't ang Bagong Tipan ay patungkol nga sa pagpapahalaga sa kautusan sa pamamagitan ng pananampalataya.


Hebreo 10:16-17,

Ito ang tipang gagawin ko sa kanila Pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon; Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang puso, At isusulat ko rin naman sa kanilang pagiisip;
17 At ang kanilang mga kasalanan at kanilang mga kasamaan ay hindi ko na aalalahanin pa.



Ipinaliwanag pa ng manunulat ng Hebreo: "Hebreo 10:28-29,


Ang magpawalang halaga sa kautusan ni Moises sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi, ay mamamatay na walang awa:
29 Gaano kayang higpit ng parusa, sa akala ninyo, ang ihahatol na nauukol doon sa yumurak sa Anak ng Dios, at umaring di banal sa dugo ng tipan na nagpabanal sa kaniya, at umalipusta sa Espiritu ng biyaya?




Malinaw na malinaw, na higit pa ang "higpit ng parusa" sa mga hindi kumilala sa tipan ng Panginoong Hesus -- na sa pamamagitan ng "dugo ni Cristo…ay maglilinis sa budhi" (Hebrews 9:14).


Malinaw na ang Bagong Tipan ay pinabanal ng dugo niya upang linisin ang lahat ng nagsisalansang (lumabag)sa kautusan, at gumawa ng walang hanggang kaligtasan (tingnan ang Hebreo 5:9, Hebreo 7:26-27). Sa mga nanampalataya(Santiago 2) at  nagsisisunod (Roma 2:13).


Maliwanag na ang "kautusan" noong una ay niwalang kabuluhan ng mga tao ng Israel, ang bayan niya ay nagsitalikod. Dito kinakailangan ng bago sapagka't ang tipan ng una ay nawalan ng bisa at nawalan ng kabuluhan dahil sa paglabag. Ngayon ay bigyan ng proteksyon ng Panginoon ang kautusan sa pamamagitan ng "pag-ukit sa puso at isipan", kaya sinasabing "…inalis niya ang una upang maitatag ang pangalawa" (Hebreo 10:9).


Sa palagay ba ninyo na ang pagukit sa puso at isipan ay katumbas ng paguutos na pawalang bisa ang mga kautusan? Sa isang banda, malinaw din naman kung "anong kautusan" ang hindi ibig ng Panginoon (hindi niya kinagiliwang ginawa ng tao sa paglilingkod sa kanya) - sa makatuwid baga'y ang kautusan sa paghahandog. Samantala, sa puso nagmumula ang "mabuti" (Galacia 5:22-23), dito inukit ng Panginnoon ang bagong tipan sa tumanggap.


Nilinaw dito na mayroong kautusan na hindi na kailangang gawin -- ito ang mga idinagdag, mga  kautusan ng disiplina sa paghahandog upang makatulong matakot at matutong magpakumbaba ang Israel. Mga danyos kung patuloy ang pagkakasala -- ang mga ito ay mga "hain at handog" para sa pagpapalubag-loob sa Dios, ang katapusang mensahe at katapusang patutunguhan sa plano ng kapatawaran ay tumutukoy sa handog na gagawin o ginawa na ni Kristo sa "krus" ng kalbaryo.


Nguni't huwag isipin na ang LAHAT ng kautusan ay pinawalang bisa, gaya ng katuruan ng mga Katoliko at Protestante at iba pang pangkatin o grupo na sumunod sa kanila. Kaya naman sila ay patuloy at walang alinlangan sa paglabag, halimbawa sa pagsamba sa mga dios-diosan at pagpawalang halaga sa mga Sabbath, pagkain ng dugo at iba pa. Hindi rin naman dapat isipin na WALA ng danyos, sapagka't mas MAHIGPIT ang parusa sa hindi tumanggap kay Kristo at Bagong tipan!




Ang lahat ng ating nabasa sa kasulatan ay magtuturo din naman na ang mga dapat sundin sa utos o batas ng Panginoon. Dito ay marami ang nailigaw ng halos lahat ng mga ministro at pastor at pari ng mga nag-aangking kristiano.


Mabuting basahin natin ang mga batas na may hangganan. Ang Biblia ay nagsasabi na hindi pwedeng "magdagdag o magbawas" sa lahat ng ibinilin o sinabi ng Panginoon. Kung ano ang nakalagay sa Biblia ay siyang dapat basahin at pagbatayan ng eksakto.


1.       Sa Jeremias 7:21 ay mabasa natin na wala siyang ipinagutos hingil sa sacrifices o mga handog, kundi sundin ang kanyang "TINIG at MGA UTOS" na isa sa dahilan ng pagpili ng Dios sa Israel palabas ng Egipto.


Dito isinasaad ng Dios na hindi "nakatuon sa mga handog" ang diwa ng kautusan. Ang mga handog

ay pagdisiplina upang hindi ito "labagin ang tinig" (nangyari ito ng ang lahi ni Abraham ay dumami sa bansang Egipto).Nalimutan na nila ang tipan kay Abraham dahil sa hirap at pagsunod sa pagkaalipin sa bansa. Nguni't hindi naman isinasaad dito na PINAWALAN KABULUHAN NG HANDOG ang pangako base sa pananampalataya.


Ang mga handog at iba pang mga palatuntunan sa unang tabernakulo ay mga utos upang ingatan at  ipaalam sa lahi ng pinangakuan ang kahalagahan ng "tinig" ng Panginoon, sa ganoon ay matuto sila at masundan ang yapak ni Abraham, Isaac at Jacob.


Malinaw na marami ang mga mabubuting "utos" ng Panginoon na ang prinsipyo ay napapaloob sa diwa ng Sampung Utos. Sa dami nito (gaya ng 613 laws in Old Testament) a nagtataka ang maraming tao kung patuloy pa ang mga ito, lalo na kung sumapit na ang Bagong Tipan. Dito pumasok ang "haka-haka" na ang kautusan daw ay pinawalang halaga ng Bagong Tipan.


Walang sinabi ang Banal na Kasulatan na ipinawalang saysay ang mga "batas in general". Nguni't nilinaw din ng Bagong Tipan na ang mga "handog" at palatuntunan sa earthly tabernacle (o tabernakulo, o "tent") ay siyang hindi nagpapasakdal sa tao (tingnan ang komentaryo sa Hebreo 9:9-10 sa simula nitong artikulo).


Kaya mas malinaw na ang basahin dito kung anu-ano yaong tinutukoy sa Hebreo 7 hanggang Hebreo 10. Dito ay hindi na dapat magbawas o magdagdag ang tao sa malinaw na sinasabi rito. Ating basahin ang buod nito:


A.      Saserdote sa lipi ni Levi --- napalitan(Hebreo 7).

Sa Hebreo 7, ito ay patungkol sa kahigitan ng "Melchizedek Priesthooh" sa "Levitical Priesthood". Dito ang pagkasaserdote ng Tribo ni Levi ay sinabing "pinalitan ang pagkasaserdote" (Hebreo 7:12) at lahat ng nasa pangngalaga(trabaho) ng Levitiko ayon sa kautusan: "…ay kinakailangang PALITAN NAMAN ANG KAUTUSAN…" (Hebreo 7:12b).


Ibig bang sabihin, pinalitan na rin ang kautusan sa "pagsamba sa dios-diosan" for example? Sa "Sabbath" o anumang sinasaad sa Torah (5 books of Moses) na iba sa mga handog?


HINDI! Ang kautusang tinutukoy dito sa Hebreo 7 ay hingil lamang sa kautusan o "palatuntunan" sa Levita (tingnan ang Leviticus 29:8-9).


Sa Hebreo 7:14 “ For it is evident that our Lord sprang out of Juda; of which tribe Moses spoke nothing concerning priesthood.”


Sa Hebreo 7:23-24 ay ipinakita rin na hindi nagpatuloy ang mga Levita " DAHIL SA KAMATAYAN…"(Hebreo 7:28). Hindi sila "immortal", datapuwa't siya [ Jesus], sapagka't namalagi magpakailan man ay may pagkasaserdote siyang di mapapalitan".


Sinabi rin ng manunulat (marahil si Pablo o isang converted Jews na tagasunod ni Jesus) na ang "kautusan na mga dakilang saserdote…" (Hebreo 7:28) ay walang "pangako-sumpa o promise" na sakdal magpakailanman, nguni't sa Anak ng Dios ay mayroon. Dito malinaw na NAPALITAN ang KAUTUSAN HINGIL SA Levitikong Saserdote, ito'y inilipat sa Anak na ang ang pagkasaserdote ay "ayon kay Melchisedec" (Hebreo 7:17).


Kaya sinabi: sa Hebrews 7:12  “For the priesthood being changed, there is made of necessity a change also of the law.”


Dito sa talatang ito ay the “law” concerning priesthood ang tinutukoy, ito and pinalitang batas. Kaya nga ang “Juda” ay pumasok sa pamamagitan ni Jesus(tingnan and Hebreo 7:14; Revelation 5:5). Si Jesus ay ayon kay Melchisedek ang pagkakasaserdote (Gawa 2: 15 ) Sa Hebreo 7:


15 And it is yet far more evident: for that after the similitude of Melchisedec there rises another priest, 16  Who is made, not after the law of a carnal commandment, but after the power of an endless life. 17  For he testifies, You are a priest for ever after the order of Melchisedec. 18  For there is truly a cancellation of the commandment going before for the weakness and unprofitableness thereof.”


Malinaw, na ang pinalitan na tinutukoy ng Hebreo 7:12 ay ang binanggit sa talatang 16 “Kautusan na UTOS NA UKOL SA LAMAN”.


Ito ang mga Saserdoteng pinagkatiwalaan ng katungkulan ng Unang Tipan., “ At katotohanan ang mga sa ANAK NI LEVI na nagsitanggap ng katungkulang saserdote, ay mayroong utos na kumuha ng ikasampung bahagi sa bayan AYON sa kautusan..” (Hebreo 7:5).


Ang mga saserdoteng ito ayon sa kautusan ay nangamatay—ito ang kahinaan ng utos hingil sa pagka saserdote!


                  “ Sapagka’t napapawi ang Unang utos dahil sa kaniyang kahinaan at kawalan ng

                  kapakinabangan” (Hebreo 7:18).


Sa talatang 23-24 ay mas malinaw ang sinasabi:


                  “At katotohanang sila’y marami sa bilang na naging mga saserdote,

                  sapagka’t dahil sa kamatayan ay NAPIGIL SILA NG PAGPAPATULOY.

                  Datapuwa’t SYA[si Jesus-Melchisedek], sapagka’t NAMAMALAGI MAG-

                  PAKAILANMAN ay may pagkakaseserdote siyang DI MAPAPALITAN”.



Dito kinansela o “cancellation” sa Ingles and Levitical priesthood, kasama ang trabaho nila sa paghahandog. Ang mananaig ay ang Priesthood ayon kay Melchisedek—ito ang mataas sa lahat! Si Cristo “minsan” lamang naghandog ay sapat na (Hebrews 7:27).


                 “ Sapagka’t inilagay ng kautusan ang mga saserdote ang mga TAONG MAY

                 KAHINAAN; nguni’t ang salita ng Sumpa[promise] na kasunod ng kautusan

                 Ay siyang naglalagay sa Anak…”(Hebreo 7:28)


Malinaw na ang mga tintukoy sa mga talatang binuksan natin ay patungkol sa mga Saserdoteng may KAMATAYAN, may KAHINAAN at mga trabaho nila sa unang tabernakulo. Wala itong kinalaman sa iba pang mga utos sa Unang Tipan. Wala itong kinalaman sa mga banal na utos ng Panginoon na ipinatutupad, gaya ng pagiingat ng pagkain ng mabuti at di-mabuting karne, mga Sabbaths, ang Sampung utos(kumakatawan sa Tipan) at iba pa.


Nakalulungko’t dahil sa maling pagtuturo ng mga bulaang ministro, pastor o pari man, ang mga banal na utos ng Panginoon sa Unang Tipan ay kinayamutan ng mga taong nagsisunod sa kanilang mga mahinang isipan at mga gawa. Maraming naging matigas ang ulo dahail sa maling doktrina at haka ng mga pansariling isipan ng mga tao.


B. GIFTS and SACRIFICES done away(Hebreo 8)—Ang batas lamang sa paglilingkod sa templo, ang mga handog na gamit, mga hayop na sakripisyo, maging inumin at tinapay na handog ay hindi makapagliligtas o makapaglilinis sa KONSENSYA ng makasalanan. Ito ay hindi na para sa Bagong Tipan. Ang tinutokoy dito ay ang “act of service”. Basahin muli ang Hebreo 9:8-10


8  The Holy Ghost this signifying, that the way into the holiest of all was not yet made manifest, while as the first tabernacle was yet standing: 9  Which was a figure for the time then present, in which were offered both gifts and sacrifices, that could not make him that did the service perfect, as pertaining to the conscience; 10  Which stood only in meats and drinks, and divers washings, and carnal ordinances, imposed on them until the time of reformation.”


Ngayon, ibig bang sabihin ay TINANGGAL na ang ten commandments ng Dios. Ang HUWAG kang sasamba sa dios-diosan, huwag kang papatay at maging ang Sabbath ba ay binanggit dito. HINDI! Marahil mga pastor at ministro ng mundong ito ay pinagdidiinan ito, ngunit walang nakasulat dito o maging sa lahat ng kinasiyahang mga kasulatan ang ganoong kahulugan.


What about “meat” offerings?


Kung babasahin natin ang mga unang talakayan dito, ang mga baka, tupa at iba pang MALILINIS na pagkain ng tao ay patuloy paring kinakain. Ang mga ito rin ang ginamit sa paghahandog. Ngayon BAWAL na bang kumain ng malilinis na mga karne kung tinanggal na ang paghahandog sa templo?


Isipin mong mabuti. HINDI! Sapagkat ang “act of service” sa paghahandog lamang ang tinanggal, kasama itong paghahandog ng SUSUNUGIN, wala itong kinalaman sa “act of eating” sa mga malilinis na pagkain.


Yaong pagkaing TINAPAY ay patuloy paring kinakain ng mga apostol bagamat binanggit ang “shewbread”-tinapay, Hebrews 9: 1  Then truly the first covenant had also ordinances of divine service, and a worldly sanctuary. 2  For there was a tabernacle made; the first, wherein was the candlestick, and the table, and the show bread; which is called the sanctuary.


Kung pagbabawal ni kristo ang kumain ng baka, tupa na GINAGAMIT sa paghahandog ay siguradong makakasama ang “BREAD” or drinks(inumin) sa pang araw-araw na pamumuhay?…?


Malinaw, pwede paring kumain ng mga ito, lamang WALA ng MAGHAHANDOG pa ayon sa Lumang Tipan, sapagkat may handog na tayo si Cristo ( I Corinthians 5:7).


C. TABERNACLES(tent) SERVICE ay nabago na(Hebreo 9-10) – Ito po ay yaong “serbisyo” na ginagawa ng mga saserdote ng Lumang Tipan. Kasama dito ang lahat na materyales o mga kagamitan sa TOLDA o Tabernakulo (TENT) ng Dios, ito ay lugar ng paghahandog na pansamantalang inutos hanggang dumating ang Messias. Basahin natin ang mga ito:

Hebrews 9

1   Then truly the first covenant had also ordinances of divine service, and a worldly sanctuary. 2  For there was a tabernacle made; the first, wherein was the candlestick, and the table, and the show bread; which is called the sanctuary. 3  And after the second veil, the tabernacle which is called the Holiest of all; 4  Which had the golden censer, and the ark of the covenant overlaid round about with gold, wherein was the golden pot that had manna, and Aaron’s rod that budded, and the tables of the covenant; 5  And over it the cherubim of glory shadowing the mercy seat; of which we cannot now speak particularly. 6  Now when these things were thus ordained, the priests went always into the first tabernacle, accomplishing the service of God. 7  But into the second went the high priest alone once every year, not without blood, which he offered for himself, and for the errors of the people:

    8   The Holy Ghost this signifying, that the way into the holiest of all was not yet made manifest, while as the first tabernacle was yet standing: 9  Which was a figure for the time then present, in which were offered both gifts and sacrifices, that could not make him that did the service perfect, as pertaining to the conscience; 10  Which stood only in meats and drinks, and divers washings, and carnal ordinances, imposed on them until the time of reformation. 11  But Christ being come an high priest of good things to come, by a greater and more perfect tabernacle, not made with hands, that is to say, not of this building; 12  Neither by the blood of goats and calves, but by his own blood he entered in once into the holy place, having obtained eternal redemption for us. 13  For if the blood of bulls and of goats, and the ashes of an heifer sprinkling the unclean, sanctifies to the purifying of the flesh: 14  How much more shall the blood of Christ, who through the eternal Spirit offered himself without spot to God, purge your conscience from dead works to serve the living God?”


Ang unang Tabing(first veil) ay buwag na, maging ang ikalawang templo sa panahon ng mga apostoles ay giniba ni Titus ng sakupin ang Jerusalem noong AD 70.


Ang ikalawang Tabing(secong veil) ay kasama sa nabuag, pati na ang mga gamit na Ark of the Covenant kung saan nakatabi ang Ten commandments ay hindi malaman kung nasasaan na at lahat pang binanggit na kagaya nito. Malinaw na INIWAN na ng Dios ang lugar. Sa Old Testament, lahat ng mga ito ay naroroon pa, ibig sabihin KASAMA ng Israel ang Dios noong una.


Ngayon ang Messias ay dumating noong unang siglo, siya ay di tinanggap at pinatay pa. Dito natapos ang serbisyo ng unang tabernakulo, napalitan ng Melchisedek priesthood, kasabay ng pagbuwag sa 2nd temple ng mabigong magsisi ang kabuuan ng Israel. Ngunit, sa mga nagsisampalataya ay pinangakuan sila, ng higit pa sa Old Testament promises, ang kompletong kapatawaran ng kasalanan, at higit pang tabernakulo na ang Dios ang nagtatag, ang Kaharian niya!


Ngayon si Cristo ay nasa langit-sa Kaharian ng Ama. Ito ay ibababa niya sa huling panahon, sa katakdaan ng muling pagparito ng Anak ang tagapagligtas ng lahat!




Ang mga batas ba ng Old Testament ay tinanggal lahat? Maging specific tayo, ang mga Sabbath ba at mga karneng pinagbabawal ay pwede nang labagin ngayong New Testament?


Sa totoo lang, mga ministro ng katiwalian ang mga  nagtuturo nito, ngunit ang mga lingkod ng tunay na Dios ay patuloy sa pagsunod dito.


Isang halimbawa, na mababasa ng lahat ang tunay na aral ng mga linkod ng Dios ay sa Gawa 15:20 (ikumpara sa Levitico 11:44).

                           “ …Sumulat tayo sa kanila na sila’y magsilayo sa mga ikahahawa sa

                           Dios-diosan, at sa pakikiapid, at sa binigti, at sa DUGO..”


Pansinin po natin isa isa ang mga ito. Hindi po ba galing sa “Old Testament” ang pagbabawal na ito? At ang salitang “ikahawa” at “magpakahawa”.


Sa Deuteronomy 13 ay may utos laban sa IDOLATRIYA (pagsamba sa dios-diosan, imahen na gawa sa kahoy,bato o metal man); sa “pakikiapid” (Levitico 20:10-21). Hindi ba galing ito sa Lumang Tipan?


At ang mga “BINIGTI” (hindi pagtulo ng dugo sa mga pinatay na hayop) at pagkain ng DUGO (tingnan ang Levitico 17:10-16).


Malinaw na MALI ang katuruang “the law was done away(in general)”, at mali din ang isa pang kasabihang “kung ano lamang ang binanggit sa New Testament ay siya lamang sundin”. Dito ibinatay ng mga nag aangking Kristiyano ang pagpili ng batas na gusto lamang nila, o kaya mga batas na hindi labag sa kanilang mga “sari-sariling doktrina “ – mga doktina at haka-haka ng tao!



Mayroon ding mga batas sa Old Testament na HINDI nababggit sa Bagong Tipan, nguni’t DAPAT pa ring SUNDIN!


Mga halimbawa:

1.       Bawal ang pakikiapid sa hayop(beastiality)—sa Bagong Tipan ay walang utos na binanggit ng direstsahan patungkol sa pakikiapid sa hayop, nguni’t alam ng ating konsensya na dapat pa ring sundin ang old Testament patungkol dito. Ang gumagaw ng mga ito ay karumal-dumal.

2.       Pagsiping sa may “kabuwanan” na babae(menstrual period)—walang  binanggit na rektahan sa Bagong Tipan, nguni’t understood na dapat sundin (Levitico 15:19-24). Maging ang modern science ay nagbababala sa maaring ng sakit mula rito.

3.       Paglilinis ng may “ketong” – sa Bagong Tipan ay hindi nabanggit ang mga ito, nguni’t malinaw na dapat sundin ang mga palatuntunan hingil dito upang hindi lumaganap ang sakit! Sa Pilipinas, ipinadadala sa isa sa lugar ng Palawan ang mga may sakit ng ganito. Samantala ang “Bubonic plaque” sa Europa ng sundin ang palatuntunan sa Biblia. Malinaw na kahit hindi binanggit sa Bagong Tipan ay HINDI nangangahulugan na pinapayagan ng labagin ang Batas ng Lumang Tipan, ito po ay maling kamalian. Maliban lamang sa nabanggit sa Hebreo at iba pang mga talata ay wala tayong karapatang “magbawas o magdagdag” sa “tinig at utos” ng ating Panginoong Dios.




Lahat ng binanggit sa mga talatang mga nauna ay tunay na taliwas sa mga natutunan natin sa traditional Christianity! Lahat ng taliwas ay hindi itinuro ng mga tao ang Dios, ni Cristo o kanyang mga propeta at mga apostoles. Kaya dapat na iwasan, pigilan at huwag suportahan ang maling katuruang ‘the law was done away(in general)”.


Maling doktina po ito!


Dumako naman tayo sa pagkain ng dugo at baboy.


Marami sa ating mga Pilipino, o maging mga dayuhan man ay tradisyonal na marunong kumain ng baboy. Mapa katoliko, Protestante o mga iba’t ibang grupo ng mga nag-aangking kristiyano ay kumakain ng baboy at dugo.


Sabi sa sulat ni Pablo sa mga taga-Galacia ay sinabi: “..the law is holy, and the commandment holy, and just, and good” (Romans 7:12). At sinabi nya hingil sa mga propeta sa Eph 3:5  “Which in other ages was not made known to the sons of men, as it is now revealed to his holy apostles and prophets by the Spirit;”


Dito, parehong BANAL ang BATAS at mga PROPETA!


Ngayon, bubuksan natin ang Biblia hingil sa mga pagkain.




Sa Libro na isinulat ni Moises ay mababasa nating malinaw : “ ANG BABOY, sapagka’t may hati ang paa at baak, datapuwa’t hindi ngumunguya[chewed the cud], KARUMALDUMAL NGA SA INYO”.


Ayon sa modernong pangangatwiran, pwede na rin daw kumain ng maruruming hayop o laman na binanggit sa Lumang Tipan. Ang pangngatwirang ito ay labag sa BATAS ng Dios, therefore doctrines of anti-God!


Ang utos na ito ay nanggaling sa Panginoon (talatang 1). Kung sinuman sa panahon ngayon ang pawalang halaga ito ay diretsahang paglabag sa ating panginoon.


Sa Deuteronomio 14: 1-3,8 ay malinaw ang paguutos rito.


                     :Sapagka’t ikaw ay banal na bayan sa Panginoon mong Dios, at ikaw

                     ay pinili ng Panginoon upang maging bayan sa kaniyang sarili pag-aari, na higit

                     sa lahat ng bayan na nasa ibabaw ng balat ng lupa. HUWAG kang kakain ng    

                     ANOMANG karumal dumal na bagay. ..Ang BABOY…ito’y marumi sa inyo:

                     ANG LAMAN NILA’Y HUWAG NINYONG KAKANIN, at ang kanilang bangkay

                    ay huwag hihipuin..”


Sa talatang apat hanggang anim ay patungkol naman sa pwedeng kanin o kainin, ang isinasaad naman sa ibang talata ay marumi, hindi pwedeng kainin. Ito ay napakalinaw, nguni’t pilit sa marami ang hindi makuha ang mga utos na ito.


Marami pa tayong mababasa sa kasulatan ang mga katulad nito, dahil sa kakulangan ng marami sa pangunawa.Marami pa sa pahina ng Biblia ang malinaw na pagbabawal sa pagkain ng baboy, aso, daga, mga isdang walang kaliskis, palaka, suso, tahong, mga insekto at iba pa. Ito’y malimit nating makita at kung tayo’y mapagmasid at ikumpara ang mga ito sa Biblia. Ang nakagawiang tradisyon ng mga Pilipino ay PAGANISMO hindi daan ng tunay na Kristiyanismo.




Ang dugo ay binabanggit din ng Biblia. Marami sa tao ang kumakain ng inihaw na dugo, dinuguan at batchoy. Mga sangkap ng baboy at dugo ng mga hayop.


Sa Old Testament pinagbawal ang lahat ng pagkain ng dugo ng lahat ng karne (Leviticus 17:14).


Sa Deuteronomy 12:23-25 ay mababasa natin :


                  “…pagtibayin mong hindi mo kakanin ang DUGO. Sapagka’t ang dugo ay

                  siyang buhay; at huwag mong kakanin ang buhay na kasama ng laman.

                  Huwag mong kakanin yaon; iyong ibubuhos sa ibabaw ng lupa na parang

                  TUBIG..” (tingnan din ang Levitico 7:26-27).


Napakalinaw ng mga talatang ito. Malilinawagan tayo kung tatanggalin nating Pilipino ang maling turo na "“ng batas ay tinanggal na”. Ang kasbihang ito ay napakalaking pagtalikod sa tunay na Libro ng Kristianismo. Malinaw na hindi pwedeng kanin ang mga ito.


Ang TABA ng baboy at lahat ng hayop, pwede bang kanin?


               “ At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, iyong salitain sa mga anak ni

               Israel, na sabihin, huwag kayong kakain ng TABA NG BAKA, NG TUPA, O  NG

               KAMBING; at ang TABA ng namatay sa sarili, at ang taba ng nilapa ng ganid

               Ay magagamit sa alinmang kagamitan: NGUNI’T SA ANUMANG PARAAN AY

               HUWAG NINYONG KAKANIN” (Levitico 7:22-24).


Sa Levitico 3:9-10 ay lahat ng TABA ay pinagbabawal kanin, maging ang “ BUONG MATABANG BUNTOT”.


Ito ay “ Magiging palatuntunang palagi sa buong panahon ng inyong lahi, sa LAHAT NG INYONG TAHANAN na HINDI KAYO KAKAIN NG TABA AT DUGO MAN” (Levitico 3:17).


Mapapansin natin na ang Panginoon ay “health conscious” sa kanyang bayan. Ang taba ay malinaw na nagdudulot ng “colesterol”, pinagmumulan ng “heart deceases” among others. At ang dugo ay “hepatitis”, ganoon din ang lahat ng walang kaliskis sa hayop sa tubig. Ayon sa mga dalubhasa , marami sa mga ito ay may dalang lason o toxin at mga parasites, kaya may dahilan ang Panginoon na piliin lamang ang pwedeng kainin ng tao. May kanya-kanya itong dahilan na maipapaliwanag ng medisina at agham.




Ang suma ng mga utos na ito ay mababasa natin sa Levitico 11:44,47


                 “Sapagka’t ako ang Panginoon ninyong Dios: MAGPAKABANAL NGA KAYO

                  AT kayo’y MAGING MGA BANAL; sapagka’t ako’y BANAL: ni Huwag kayong

                  MAGPAKAHAWA sa anomang umuusad na gumagalaw sa ibabaw ng lupa”.


Dito, mas malinaw na ang Dios na tunay na lumalang ay nagsabi ng pagiging “banal” o “holy” sa Ingles na siya ring pinagkunan ng salitang “SAINT”. Sapagka’t SIYA(ang DIOS) ay BANAL! Sa Levitico 20:25-26 ay mababasa pa natin:


                 Inyo ngang lalagyan ng pagkakaiba ang hayop na malinis at ang karumal-

                    dumal, at ang ibong karumal-dumal at ang malinis: at huwag ninyong

                   gagawing  karumal-dumal ANG INYONG PAGKATAO sa hayop at sa ibon,

                 o anumang bagay na umuusad sa lupa, na INIHIWALAY[sanctified] SA INYO

                 palibhasa’y karumal-dumal”


Malinaw na patungkol sa kabanalan ang mga utos na ito, wala itong kinalaman sa RITUWAL na paghahandog. Ang mga ito ay PAGHIHIWALAY NG SALITA NG DIOS na dapat nating sundin, upang hindi tayo mahawa ng karumalan ng mga ito. Kaya may malinis at may marumi. Sundin ang kalinisan at magaya tayo sa Panginoon natin.Hindi ba sinabi ni Jesus ito?


Dapat ding tandaan na ang baboy ay simbulo ng karumihan.


Si apostol Pedro ay nagsabi: “Tunay nga kung, pagkatapos na tumakas mula sa mga karungisan[o karumihan] ng sanlibutan sa pamamagitan ng tumpak na kaalaman sa Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Kristo….Sapagka’t mas mabuti pa sana na hindi nila nalaman nang katumpakan ang landas ng katuwiran kaysa pagkatapos na malaman ito nang may katumpakan ay tumalikod sa banal na utos na ibinigay sa kanila. Ang sinasabi ng tunay na kawikaan ay nangyari sa kanila:  ‘Ang aso ay nagbalik sa  sariili niyang suka, at pinaliguang babaing  BABOY naman sa paglulubalob sa lusak.” (II Pedro 2:20-22, Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan).




Ang ating Panginoon ay pinalaki ng kaniyang magulang (Jose at Maria). Ang asawa ni Maria ay “lalaking matuwid”(Mateo 1:19), at ang Panginoon naman ay “sumasainyo”sabi ni Gabriel—samatuwid baga’y kay Maria (Lukas 1:28). Silang mag-asawa ay kapuwa tagasunod ng Dios. Sila ay sumusunod sa “kautusan ni Moises”. Si Jesus na kanilang Anak ay pinalaki nila alinsunod sa kautusan. “At nang maganap na ang mga araw na kanilang paglilinis ALINSUNOD SA KAUTUSAN NI MOISES, ay kanilang dinala siya sa Jerusalem, upang iharap siya sa Panginoon” (Lukas 2:22). Basahin rin ang talatang 23 at 24. Lumalakas ang bata habang lumalaki at napuspos ng karunungan (Lukas 2:4).


Maging ng 12 years old pa siya ay dinala na siya ng kanyang magulang sa Jerusalem, sila’y nagsiahon-taon taon sa “kapistahan ng Paskua”. Sila’y “nagsiahon ayon sa KAUGALIAN ng kapistahan” (Lukas 2:42).


Dito ay mauunawaan natin na si Jesu-Cristo ay “sumusunod” sa kautusan ng Lumang Tipan. Ang pista ng Paskua ay isa lamang sa ipinangingilin ng kaniyang pamilya at buong bayan ng Dios (makikita ito sa Levitico 23).


Mapapansin na si Jesu-Cristo ay sumusunod din sa palatuntunan hingil sa malilinis at maruming pagkain. Isa sa talata na makakakitaan natin ng ebidensya ay ang Juan 15:10


                        “Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, ay magsisipanahan

                        kayo sa aking pag-ibig: GAYA NG AKING PAGTUPAD SA MGA

                          UTOS NG AKING AMA…’


May lilinaw pa ba dito?


Malinaw na si Jesus ay sumusunod sa mga utos ng Amang nasa langit, lalo na ang mga nakasaad sa Old Testament.Pansinin ang Luke 24:27  “And beginning at Moses and all the prophets, he expounded to them in all the scriptures the things concerning himself.


Dito sinulat ni Lukas ang ginawa ni Jesus. Ang Book of Moses at mga propeta ay tinawag na “scriptures-kasulatan” dito.Sa ibang pagkakataon ay tinawag na “LAW-BATAS” ang kasulatan, sa  John 1:45 “ Philip finds Nathanael, and said to him, We have found him, of whom Moses in the law, and the prophets, did write, Jesus of Nazareth, the son of Joseph.”


HINDI maikakaila na gamit ni Jesus ang Batas na nakasulat sa Old Testament upang patunayan na ang mga patungkol sa kanyang pagparito. HINDI rin maikakaila na sumusunod si Jesus sa lahat ng mga nakasulat dito, kasama rito ang HINDI PAGKAIN NG BABOY, DUGO at iba pang “maruruming bagay”.


Nakuha mo ba ang ibig sabihin nito?


Sa Mateo 13:47-48 si Jesus ay nagturo patungkol sa pagbubukod sa “katapusan ng sanglibutan”. Inihalintulad niya ang mabuti sa masama. Dito ay ginamit niya ang pangkaraniwang naiintindihan ng Bayan niya patungkol sa buhay sa dagat. Sinabi niya:


                  “ tulad din naman ang kaharian ng langit sa isang lambat, na inihulog sa

                 dagat, na nakahuli ng sari-saring isda. Na, nang mapuno, ay hinila nila sa

                  pampang; at sila’y nagsiupo, at tinipon sa mga sisidlan ANG MABUBUTI,

                    datapuwa’t ITINAPON ANG MASASAMA.”


Dito, malinaw na alam ni Jesus, maging ang lahat ng nakaririnig patungkol sa mga isda. Ito ay may mabuti at may masamang uri (o marumi).


Lahat ng Israelita ay alam ang nakasaad sa Levitico 11:9-11. Sapagka’t lahat sila ay sumusunod sa palatuntunang ito. Nguni’t kahit anong linaw ng mga talatang ito marami sa nagaangking Kristiyano ang hindi sumusunod dito. Nagbigay sila ng mga “utos ng tao” na sinasabing hindi na raw ito sinusunod sa Bagong Tipan.


Basahin natin uli ang Mateo 5:17 “ HUWAG ninyong isiping ako’y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta. Ako’y naparito HINDI UPANG SIRAIN, kundi UPANG GANAPIN”.


Ito ang rektahang pagtuturo ng Panginoong Jesus and Pinuno ng Kristiyanismo, siya mismo ang nagsabing ganapin ang mga ito!




Bakit marami ang pilit kinokontra ang pahayag ng ating Panginoon? Nakapagiisip ang ganitong bagay.


Sa Mateo 8:30-32, ay isang insidente na ang “maruruming espiritu”, mga DIMONYO ay inilipat ni Jesus sa kawan ng BABOY. Ibinigay lang ni Kristo na pagsamahin ang marumi sa kapwa marumi. Isang tao ang iniligtas niya sa matinding karamdaman, ito’y inaalihan ng demonyo. Ang tao ayon  kay apostol Pedro( mula sa mensahe ng Panginoon) ay hindi dapat tawaging “marumi” (Gawa 10:28), nguni’t ang pagpasok ng demonyo sa tao ay isa sa nagbibigay sa kanya ng karumihan. Ito’y katuruan ni Jesu-kristo (Gawa 10:36-38).




Sa Gawa kapitulo 10, ay isa sa ginagawang dahilan ng mga tagapagturo na ang “batas sa Lumang Tipan ay hindi na dapat sundin”. Pag-aralan natin kung totoo ang ganitong haka-haka.


Sa talatang sampu, si apostol Pedro ay “nawala sa pangkaraniwang pangdama” o pumasok sa mga “pangitain”. Sa Gawa 10:13-14 ay sinabi:

                 “ Magtindig ka, Pedro at MAGPATAY KA AT KUMAIN. Datapuwa’t sinabi ni

                  Pedro, HINDI MAARI, PANGINOON, sapagka’t KAILAN MA’Y HINDI AKO



Ayon sa mga pastor at mga ministro ng sanlibutan, ito raw di-umano ang pruweba na pwede na tayong kumain ng “marumi”. Nguni’t malinaw nating mababasa na si pedro mismo ay nagsabi at nangatwiran, at tumanggi, sinabi niyang malinaw: “ hindi maaari Panginoon, sapagka’t KAILAN MA’Y HINDI AKO KUMAIN ng anomang marumi st karumaldumal”.


Malinaw, na si Pedro ay TAPAT sa pagsunod sa mga palatuntunan ng Panginoon, lalo na sa Batas hingil sa marumi at malinis na pagkain, kaya nga siya ay tumanggi!


Ayon pa sa talatang 17, si Pedro ay “nanatiling totoo” sa kanyang sarili—ibig sabihin, tapat siya sa mga sinasabi nya. Tapat siya maski noong kasama pa siya ni Jesus bago ang kalbaryo hanggang sa lumabas ang pangitain. Mapapansin din sa talatang 17 ay malinaw na pinagisipan niya “ pangitaing nakita” at “kung ano ang kahulugan”!


Ibang-iba ito sa mga turo ng tradisyonal na mga pananampalataya sa atin. Sila’y tiyak na tiyak na dapat daw kumain tayo ng marumi at karumaldumal. Samantala, si Pedro mismo ay tumanggi at ginamit ang sariling utak at sentido. Wala ring sinabi sa talata na kumain si Pedro ng mga ito, o binanggit man na itong nakita niya ay baboy. Sapagka’t sa Biblia ay maraming uri ng mga hayop na apat ang paa na tinatawag ding marurumi, gaya ng daga, aso, bayawak, kamelyo, kabayo at iba pa, hindi lang baboy.


Nguni’t pwede na nga kayang KUMAIN ng lahat ng marumi, let say BABOY? Ano ba ang sagot ni Pedro?

Sa ikalawang sulat ni Pedro ay mariin niyang sinulat ang kaniyang paniniwala. Sabi mismo ni apostol Pedro:


                        “Nguni’t yamang banal ang sa inyo’y tumawag, ay MANGAGPAKA-BANAL

                        NAMAN KAYO SA LAHAT NG PARAAN NG PAMUMUHAY. Sapagka’t nasu-

                     Sulat, kayo’y mangagpakabanal: sapagka’t ako’y BANAL” (I Pedro 1:15-16).


Mapapansin na ang mga talatang ito ay rektahang sinipi sa Levitico 11:44-45. Ito ang Kapitulo ng Biblia para malaman kung ano ang “marumi at malinis”.

Napakalinaw ng mga ito, si Pedro ay sumusunod sa palatuntunan at mga utos hingil sa malinis na pamumuhay, mapa-salita, pagkain o mga gawa. Lahat ng mga ito ay may kinalaman sa pagiging banal.


Isa sa mga apostol ni kristo na makikitaan natin ng mga aral hingil sa pagkamalinis ay si apostol Pablo. Si Pablo ay direktang tinawag ng Panginoong Jesu-kristo (Gawa 22:6-8).


Sa mga taga-Tesalonica, mariing ipinaliwanag ni Pablo ang isa sa dahilan ng pagkatawag ng bawa’t Kristiyano. Ito’y dapat itinuturo ng ating mga pastor o kung sinuman ang makitaan mo ng Biblia, huwag pabayaang madaya tayo ninuman sa mga bagay na ito. Sinabi ni Peblo:


          “Sapagka’y tayo’y tinawag ng Dios hindi sa ikarurumi, kundi sa pag-

                      papakabanal.” (I Tesalonica 4:7).


Napakalinaw nito. Ang Dios na ating Ama ay Dios ng KALINISAN.


Ang Dios ay nagsabi ng malinaw:


                        “Kaya nga, magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon,

                    at HUWAG KAYONG MAGSIHIPO NG MGA BAGAY NA MARUMI, at kayo’y

                    aking tatanggapin.” (II Corinto 6:17).


Ang talatang ito ay mapapansin ng mga nagsasaliksik na sipi sa Isaiah 52:11. Malinaw na isa sa pagpapakabanal ang “pagpapakalinis” sa mga bagay na inuutos ng Panginoon, ang paglayo sa maruruming bagay at pagkain. Isa ito sa DAPAT “isabuhay” ng mga tagasunod ng Dios at  tagasunod ng kanyang Kristo.


Tingnan ang TABLE sa ibaba. "Pangitain ni Pedro".





                        “ Kayo’y magsiyaon, kayo’y magsiyaon, kayo’y magsialis doon, HUWAG

                    KAYONG MAGSIHIPO NG MARURUMING BAGAY; kayo’y magsilabas

                   sa gitna niya; KAYO’Y MANGAGPAKALINIS, kayong nangagdadala ng mga

                  sisidlan ng   Panginoon” (Isaiah 52:11).


Pansining mabuti! Hindi ba galing sa Lumang Tipan ang diwa ng pagkasulat ni Pablo? Bakit pilit pinipilipit ng mga mangangaral ngayon na hindi na raw epektibo ang Lumang Tipan? Ang mga batas na nakasaad dito?


Malinaw na ang hindi paghipo sa maruruming bagay na binabanggit ay isa sa paraan ng pamumuhay ng malinis! Kasama ito ng malinis na budhi at puso.


Ang ating Panginoong Jesus ay nagsabi patungkol sa nilalaman ng puso ng tao ay iba sa pisikal na mga utos ng tao, gaya ng “paghuhugas ng kamay bago kumain”—sapagka’t hindi naman ito nakakahawa.


                        “ Hindi pa baga ninyo nalalaman, na ang anomang pumapasok sa bibig ay

                        tumutuloy sa tiyan, at inilalabas sa daan ng dumi? Datapuwa’t ang mga bagay

                        na lumalabas sa bibig ay sa puso nanggagaling; at siyang nakakahawa

sa tao.Sapagka’t sa puso nanggaling ang masamang pagiisip, mga

pagpatay,mga pangangalunya, pakikiapid, mga pagnanakaw, mga pagsaksi sa

di katotohanan,Mga pamumusong. Ito ang mga bagay na nakakahawa sa tao:


NAKAKAHAWA SA TAO” (Mateo 15:17-20).


Lahat ng binanggit dito ni Jesus ay “paglabag sa mga utos”, at ang mga utos na ito ay unang napasulat sa Lumang Tipan! Bakit marami ang hindi basahin ang simpleng nakasulat dito?


Malinaw din na binanggit ni Jesus ang “hindi pagsaksi sa katotohanan”.


Ano ba ang katotohanan?

Si Kristo ay nagsabi: “Pakabanalin mo sila sa katotohanan ang salita mo’y katotohanan”—John 17:17


Pansinin, ang salita ng Dios ay “katotohanan”! Ang tunay na Kristyano pala ay PINABANAL ng katotohanan-ng Salita ng Dios!


Kasama sa Salita ng Dios ang “pagbabawal” ng pagkain ng marurumi, ng baboy, aso, dugo, bayawak, palaka at mga kagaya ng mga ito. Marami na ngayon ang tumalikod sa mga banal na utos ng Panginoon, kaya naman : “…nangyari sa kanila ang ayon sa kawikaang tunay, nagbabalik muli ang mga aso sa kanyang suka, at ang paglulubalob sa pusali ng babaing baboy na nahugasan”—II Pedro 2:22


Dito naman, binanggit na ang “ugali” ng mga maruruming hayop na ito! Ito rin ang “simbulo” ng karumihan, kaya malinaw na mararami sa tao ngayon ang tulad nito, mga taong tumalikod sa banal na utos ng Dios!




Si Pablo ay sumulat at nagbilin kay Timoteo at sa mga nakikinig sa kaniya patungkol sa mga “aral ng demonio” at “pagtalikod sa pananampalataya”. Ito’y matatagpuan sa I Timoteo kapitulo 4.


Marami sa mga nagaangking Kristiayano sa ngayon ang nahikayat na, na iba sa mga isinulat ni Pablo at iba sa tunay na diwa ng pananampalataya!


Sa I Timoteo 4:3 ay binanggit ang dalawang parte nito. Una, ang pagbabawal ng pagaasawa—ang pari(saserdote) ng pangunahing relihiyon ngayon ay may doktrinang “celebacy”—pagbabawal nila ng pagaasawa (Basahin ang Babylon Mystery Religion ni Ralf Woodrow).


Dahil dito, maraming ulat na sila mismo ay nanggagahasa, nagaasawa ng palihim, at nagmomolestiya ng babae o lalaki man. Ito ang mga resulta ng isa sa masamang aral ng demonio—ang pagbabawal ng pagaasawa.


Ang ikalawa naman ay ang paguutos at pagbabawal ng pagkain ng mga “nilalang ng Dios upang tanggapin ng may pasasalamat”.


Sa panahon ngayon, pilit “binaliktad” ng mga ministro ng kasinungalingan ang isinasaad dito. Pinagpakahulugan ng mga maling tagapangaral at tagapagturo ang “nagbabawal ng pagkain” o “nagbabawal ng mga pagkain na isinulat sa Lumang Tipan” ang siya daw di-umano ang may doktina ng demonyo. Binaliktad nila ang tunay na kahulugan! Tinukoy pa nila na ang taong nagbabawal ng “pagkain(eating)” ng marumi, gaya ng baboy, isdang may kaliskis, dugo at iba pa ang siyang inaalihan o kinasiyahan ng aral ng demonyo.


Marami ngayon ang nakalawit ng kabaligtarang ito!


Alam nyo ba na HINDI ganito ang pakahulugan ni Pablo, sapagka’t siya at mga kasama niyang apostol ay nagbabawal ng pagkain ng marumi, halimbawa ng “dugo”. Ito’y ipinaliwanag din ni Santiago (Gawa 15:13,19). Sa talatang 20 ay binanggit niya na magsilayo sa “ikahahawa” sa “…diosdiosan, at sa pakikiapid at sa binigti at sa dugo”.


Ang binigti ay patungkol sa mga hayop na hindi pinatulo ang dugo, ang laman ng hayop galing sa ganitong pagkatay ng marumi, at susunod na ang namuong dugo at ang pagkain ng dugo mismo. Sapagka’t ang dugo, maging ang lamanng may dugo ay pinagbabawal ng Dios.


Sa Levitico 17:10,13-14 ay ito ang mababasa.


                        “At sinomang tao sa sangbahayan ni Israel o sa mga taga ibang bayan na

                        makikipamayan sa kanila, na kumain ng dugo, ay aking ititig ang aking

                        mukha laban sa taong yaon KUMAIN NG DUGO…at sinomang tao sa mga

anak ni Israel, o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila na

manghuhuli ng hayop o ng ibon na makakain; ay IBUBUHOS NIYA ANG DUGO


ANOMANG LAMAN: Sapagka’t ang buhay ng buong laman ay ang kaniyang dugo:

Sinomang kumain niyan ay ihihiwalay.”


Sa Deuteronomio 12:23 “…Sapagka’t ang dugo ay siyang buhay;at HUWAG MONG KAKANIN ANG BUHAY[DUGO] NA KASAMA NG LAMAN.”


Malinaw na ang Dios ay nagutos na “magbawal” sa ibang mga pagkain, at sinundan ito ng lahat ng mga propeta at mga lingkod ng Panginoon hanggang Bagong Tipan. Walang nabago patungkol dito, maliban sa mga nasabing handog sa Jeremias 7:22-23.


Nagyon, balikan natin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ni apostol Pablo sa I Timoteo 4, sa talatang 2. Ang mga tagapagturong ito ayon dito ay “nagsisipagsalita ng mga kasinungalingan”. Ang Biblia ay malimit magbabala sa mga sinungaling “ iyong lilipulin sila NANGAGSASALITA NG MGA KABULAANAN; kinayayamutan ng Panginoon ang taong mabangis at magdaraya” (Awit 5:6).


Mahigpit na ibinilin ni Pablo ang isa sa ugali ng masamang tagapagturo---mga sinungaling o mga kontra sa katotohanan, mga nagsasalita ng “kabulaanan”.


Dapat tandaan na ang kasinungalingan ay labag sa daan ng katotohanan!


Ayon sa I Timoteo 4:3 malimit na pinagbabawal ng aral ng demonyo ang “lumayo sa mga lamang kata [sa Griego ilang pagkain, o certain meats] na NILALANG NG DIOS UPANG TANGGAPIN NA MAY PASASALAMAT”.


Dito ay tinutukoy ni Pablo ang mga pagkaing tinatanggap ng may “pasasalamat”. Ang mga ito ay pangkaraniwan kinakain ayon sa “nakakaalam ng katotohanan”. Ito’y hindi nangangahulugan na tinutukoy ni Pablo ang mga propeta na “nagbabawal ng maruming pagkain” na mga nilalang din ng Dios. Hindi ito ang tinutukoy ni Pablo, sapagka’t ang mga kautusan ng Dios dito ay matuwid at banal. Ang mga pagkaing tinatanggap ng may pasasalamat ay siya pa ngang ipinagbawal ng “aral ng demonio”—kinontra ang kautusan ng Dios dito!


Si apostol Pablo ay nagturo na ang Dios at ama ng lahat ay nagbigay ng biyaya ayon sa sukat na kaloob ni Cristo. Kasama sa biyayang ito ang pagiging propeta: “At pinagkalooban niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga ibang PROPETA…” (mga sulat sa taga-Efeso 4:11).


Dito ay malinaw na ang katuruan ng unang Iglesia ng Dios ay igalang ang kaloob ng pagiging “propeta” sa “ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing paglilingkod sa ikatitibay ng katawan ni Cristo”(Talatang 12).


Kaya malinaw na ang mga nakasulat sa libro ng mga propeta hingil sa pagbabawal ng pagkain ng marumi ay HINDI tinutokoy ni Pablo na aral ng demonyo! Bagkus ay tinukoy  ni Pablo ay mga “sinungaling”, ito’y mga kontra sa kautusan ng Dios, kaya nga ipinagbawal NILA9ng mga sinungaling) na kumain sa ilang uri ng pagkain na TINATANGGAP NA MAY PASASALAMAT!


Ang I Timoteo 4:3 sa salin sa Gideon International (Ang Bagong Tipan), ay ito ang nakasulat: “Ipinagbabawal nila ang pagaasawa at ang ILANG URI NG PAGKAIN, mga pagkaing nilikha ng Dios para kaining may pasasalamat…”


Dito ay malinaw na ang “ilang uri ng pagkain” ang ipinagbabawal ng aral ng demonyo!


Ipinagbabawal nila ang mga pagkaing nilikha ng Dios para kaining may pasasalamat.


Dito ay lumitaw at lumabas kung sino ang may “aral ng demonio” na tinutukoy ni Pablo, ito ay ipinagbabawal na kainin ang “malinis” na pagkain—ito ang sinasabing “nilikha ng Dios” na pwedeng kainin ng tao.


Sinabi sa Libro ng Genesis 2:19 “At nilalang ng Panginoong Dios sa lupa ang LAHAT NG HAYOP SA PARANG at lahat ng ibon sa himpapawid…”


Ang LAHAT ba ng hayop ay dapat kainin ng tao, nilalang ba ang LAHAT ng hayop para kainin? Lahat bang hayop ay ipinasasalamat upang kainin?


Sa mga pagano, ang sagot ay “OO”. Sa Banal na Kasulatan ng Dios--- “HINDI”.


Sapagka’t malinaw sa Biblia na may HAYOP na pwedeng kainin at hindi pwede! Ito ay tinatawag din sa terminong “ malinis” at “marumi” na hayop.


Sa Genesis 7 ay malinaw na binanggit ng Dios kay Noe ay “…bawat na malinis na hayop…” at sa mga hayop na HINDI malinis…” (Genesis 7:2). Dito ay wala ng lilinaw pa, na talagang mayroong pagkakaiba ang mga ito – may malinis at may hindi malinis. Lahat ng ito ay nilalang ng Panginoon hindi ba?


Sa Genesis 6:2 ay sinabi noong una kay Noe “At magbaon ka ng LAHAT NA URI NA PAGKAIN NA KINAKAIN, at imbakin mo sa iyo; at magiging pagkain mo at nila…” Dito ay nagimbak sila ng iba’t ibang uri ng pagkain. Marahil mga prutas, gulay, punongkahoy at iba pa na pwedeng imbakin. Ang detalyeng ito ay malalaman natinsa Deuteronomio 14:3-21. Ito ay ipinasulat ng Dios ni Noe na siyang Dios ni Moises kaya hindi nagkokontrahan ang palatuntunan. Samantala sa loob ng 150 araw (Ge 7:24  And the waters prevailed on the earth an hundred and fifty days.), sila ay nasa loob ng Arko, may malilinis na hayop sa loob, na kung umanak man at sumobra ay pwedeng katayin nila ayon sa bilang. Malinaw ito na sumunod si Noe sa mga utos ng Dios.


Samantala, ang aral ng dimonyo naman ay ang paglabag sa kasulatan, o sa “instruction” ng Panginoong Yahweh. Ipinagbabawal ng mga sinungaling maging ang malinis na pagkain. Gaya ng Baka, halimbawa. 1) Sa India ay sinasamba ang Baka (Baalism na minana noon pang unang panahon) at pinagbabawal kainin. 2) Sa mga relihiyon (nagaangking-kristiyano) na nagbabawal ng lahat ng karne at ipinagbabawal din kainin, mga relihiyon na nagbabawal ng sobra-sobra. 3). At mga relihiyong nagbabawal ng “ilang uri” ng pagkain nguni’t kumakain naman ng maruming bagay o hayop (gaya ng baboy, isdang may kaliskis). Ipinagbabawal din nila ang mabubuting karne—baka, manok o kambing man sa araw na inaangkin nilang mga banal na araw, Judio ka di-umano kung kainin mo ito sa mga banal na araw.




Ang pagiging “vegetarian” hindi masama kung hindi naman ito pwersahan. May mga taong komportable kumain ng mga prutas at gulay lamang, sa magandang kadahilanan ay nirerespeto natin ito. Nguni’t kung ang isang vegetarian naman ay halos kondenahin “lahat” ng karne ay hindi naman makatuwiran, sapagka’t ang Dios mismo ay nagsabi na pwedeng kainin ang ilang uri (ibang karne) gaya baga ng baka, kambing, kalabaw,manok at lahat na tinatawag na malinis (at maliban na lamang na marumi ang proseso ng pagkatay at tamaan ng sakit). Sa mga nakakaalam naman sa katotohanan ay hindi rin naman mabuti ang kondenahin o hatulan ang mga taong mahilig sa gulay at prutas. Kung ayaw nilang kumain ng karneng malinis ay wala namang pagpupumilit sa kasulatan ang ganito, na pwersahin naman sila sa pagkain(kumain) ng mga karneng ito.


Sa Roma 14 ay may pangyayaring parehas nito ay maingat na ibinilin ni apostol Pablo. Ito’y para sa mahihina pa ang “unawa” o “pananampalataya”, nguni’t dapat gabayan ng tama. Ang Bagong Tipan ng Gideons International ay mababasa natin:


                        “ Tanggapin ninyo ang MAHINA sa pananampalataya, at huwag pagpu-

                        punahin ang kanyang kuro-kuro” (Roma 14:1).


May dalawang klase ng tao ang tinutukoy dito ang isa 1)ay “naniniwalang maari siyang KUMAIN NG KAHIT ANO” at ang isa pa 2) ay “gulay lamang ang kinakain ng mahina sa pananampalataya” (Talatang 2).


Ang malinaw na “kumakain ng kahit ano” dito na tinutukoy ay ang “kumakain ng kahit ano ay KUMAKAIN NIYON ALANG-ALANG SA PANGINOON, sapagka’t nagpapasalamat siya sa Dios” (Roma 14:6a).


Tinutukoy dito ay kumakain ng kahit na ano “alang-alang sa Panginoon”, samakatuwid ay ayon sa “kaloob at utos ng Panginoon”. Ito ay ayon sa kaaya-ayang paningin ng Panginoon. Halimbawa nito ay pagkain ng lahat ng malinis na pagkain at lahat ng gulay at prutas. Lahat ng mga ito ay pinagpapasalamat niya sa Dios.


Samantala,may mga bagong mananampalataya na “gulay lamang ang kinakain” at siya’y nagpapasalamat din sa Dios.


Ang parehong kinakain nila ay malinaw na “hindi” lumalabag sa Batas ng Panginoon, bagama’t may hindi husto ang pagkakaunawa o pareho mang kulang-kulang ang pangunawa. Dito pumasok ang maling paghatol sa kapwa, kaya naman naging paksa rin ni Pablo.


Maging balanse ang paghatol.




Sa Isaias 66:12-24


“Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y maggagawad ng kapayapaan sa kaniya na parang isang ilog, at ang kaluwalhatian ng mga bansa ay parang malaking baha, at inyong sususuhin yaon; kayo'y kikilikin, at lilibangin sa mga tuhod.


Kung paanong ang sinoma'y inaaliw ng ina gayon ko aaliwin kayo; at kayo'y mangaaliw sa Jerusalem.


At inyong makikita, at magagalak ang inyong puso, at ang inyong mga buto ay giginhawang parang sariwang damo: at ang kamay ng Panginoon ay makikilala sa kaniyang mga lingkod, at siya'y magagalit laban sa kaniyang mga kaaway.


Sapagka't, narito, ang Panginoon ay darating na may apoy, at ang kaniyang mga karo ay magiging parang ipoipo; upang igawad ang kaniyang galit na may kapusukan, at ang kaniyang saway na may ningas ng apoy.


Sapagka't sa pamamagitan ng apoy makikipagpunyagi ang Panginoon, at sa pamamagitan ng kaniyang tabak, sa lahat ng mga tao: at ang mapapatay ng Panginoon ay magiging marami.


Silang nangagpapakabanal, at nangagpapakalinis na nagsisiparoon sa mga halamanan, sa likuran ng isa sa gitna, na nagsisikain ng laman ng baboy, at ng kasuklamsuklam, at ng daga; sila'y darating sa isang wakas na magkakasama, sabi ng Panginoon.


Sapagka't kilala ko ang kanilang mga gawa at ang kanilang mga pagiisip: ang panahon ay dumarating na aking pipisanin ang lahat na bansa at ang mga may iba't ibang wika; at sila'y magsisiparoon, at mangakikita ang aking kaluwalhatian.


At ako'y maglalagay ng tanda sa gitna nila, at aking susuguin ang mga nakatanan sa kanila sa mga bansa, sa Tarsia, Pul, at Lud, na nagsisihawak ng busog, sa Tubal at Javan, sa mga pulong malayo na hindi nangakarinig ng aking kabantugan, o nakakita man ng aking kaluwalhatian; at sila'y mangagpapahayag ng aking kaluwalhatian sa gitna ng mga bansa.


At kanilang dadalhin ang lahat ninyong mga kapatid mula sa lahat na bansa na pinakahandog sa Panginoon, na nasasakay sa mga kabayo, at sa mga karo, at sa mga duyan, at sa mga mula, at sa mga maliksing hayop, sa aking banal na bundok na Jerusalem, sabi ng Panginoon, gaya ng pagdadala ng mga anak ni Israel ng kanilang handog sa malinis na sisidlan sa bahay ng Panginoon.


At sa kanila rin naman ako kukuha ng mga pinaka saserdote at mga pinaka Levita, sabi ng Panginoon.

Sapagka't kung paanong ang mga bagong langit at ang bagong lupa, na aking lilikhain ay mananatili sa harap ko, sabi ng Panginoon, gayon mananatili ang inyong lahi, at ang inyong pangalan.


At mangyayari, na mula sa bagong buwan hanggang sa panibago, at mula sa isang sabbath hanggang sa panibago, paroroon ang lahat na tao upang sumamba sa harap ko, sabi ng Panginoon.


At sila'y magsisilabas, at magsisitingin sa mga bangkay ng mga taong nagsisalangsang laban sa akin: sapagka't ang kanilang uod ay hindi mamamatay, o mamamatay man ang kanilang apoy; at sila'y magiging kayamutan sa lahat ng mga tao.”



Revelation 22:1-10


“At ipinakita niya sa akin ang isang ilog ng tubig ng buhay, na maningning na gaya ng bubog, na lumalabas sa luklukan ng Dios at ng Cordero,


Sa gitna ng lansangang yaon. At sa dako rito ng ilog, at sa ibayo nito, naroon ang punong kahoy ng buhay, na namumunga ng labingdalawang iba't ibang bunga, na namumunga sa bawa't buwan: at ang mga dahon ng punong kahoy ay pangpagaling sa mga bansa.


At hindi na magkakaroon pa ng sumpa: at ang luklukan ng Dios at ng Cordero ay naroroon: at siya'y paglilingkuran ng kaniyang mga alipin;


At makikita nila ang kaniyang mukha; at ang kaniyang pangalan ay sasa kanilang mga noo.


At hindi na magkakaroon pa ng gabi, at sila'y hindi nangangailangan ng liwanag ng ilawan, ni ng liwanag man ng araw; sapagka't liliwanagan sila ng Panginoong Dios: at sila'y maghahari magpakailan kailan man.


At sinabi niya sa akin, Ang mga salitang ito'y tapat at tunay, at ang Panginoon, ang Dios ng mga espiritu ng mga propeta, ay nagsugo ng kaniyang anghel upang ipakita sa kaniyang mga alipin ang mga bagay na kinakailangang mangyari madali.


At narito, ako'y madaling pumaparito. Mapalad ang tumutupad ng mga salita ng hula ng aklat na ito.


At akong si Juan, ako ang nakarinig at nakakita ng mga bagay na ito. At nang aking marinig at makita, ay nagpatirapa ako upang sumamba sa harapan ng anghel na nagpakita sa akin ng mga bagay na ito.


            At sinasabi niya sa akin, Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mga propeta, at ng mga tumutupad ng mga salita ng aklat na ito: sumamba ka sa Dios.


At sinasabi niya sa akin, Huwag mong tatakan ang mga salita ng hula ng aklat na ito; sapagka't malapit na ang panahon.”










Pangitain ni Pedro





Gawa 10:11-12


Gawa 10:20 “Datapuwa’t MAGTINDIG KA, at manaog ka, at sumama ka sa kanila”

Gawa10:14”…Sinabi ni Pedro, hindi maari, Panginoon; sapagka’t kailan ma’y hindi ako kumain ng ANOMANG BAGAY NA MARUMI AT KARUMALDUMAL.”


Gawa 10:15 “…ang nilinis ng Dios ay HUWAG MONG IPALAGAY NA MARUMI.”



Gawa 11:12 “ At iniutos sa akin ng Espiritu na ako’y sumama sa kanila, NA HUWAG MAGTANGI…”

Gawa 10:16 “ at ito’y mangyari, MAKAITLO at pagdaka’y binatak sa langit ang sisidlan.”

Gawa 10:17 “ Samantalang nananatiling totoo si Pedro sa kaniyang sarili KUNG ANO ANG KAHULUGAN NG PANGITAIN kaniyang nakita, narito, ANG MGA TAONG SINUGO ni Cornelio.

Gawa 11:9 “Nguni’t sumagot na ikalawa ang tinig mula sa langit, NAG NILINIS NG DIOS, AY HUWAG MONG IPALAGAY NA MARUMI.

Gawa 10:19 “ At samantala iniisip ni Pedro and TUNGKOL SA PANGITAIN….Sinabi sa kaniya ng Espiritu, NARITO, HINAHANAP KA NG TATLONG TAO.”



Gawa 11:10 “ at NANGYARI MAKAITLO at muling binatak ang lahat sa langit.”

Gawa 10:19 “ At samantala iniisip ni Pedro and TUNGKOL SA PANGITAIN….Sinabi sa kaniya ng Espiritu, NARITO, HINAHANAP KA NG TATLONG TAO.”


Gawa 11:11 “Narito…ang TATLONG LALAKE na mga sinugo”.